Chapter 18

76 4 0
                                    

smscaptiosus 😊

Pagkagising kinabukasan nag handa nanaman kami para sa training namin. Sayang at hindi ko napanood yung laban nila kahapon. Isinuot ko muna yung gloves ko bago ako lumabas. Naka-itim ako na pantalon na madaming bulsa at leather jacket at ang panloob ko ay puti na sando.

Pagkapasok ko nang training room muntik na kaming magkabanggaan ni Ash buti na lang mabilis ang reflexes namin at pareho kaming umatras. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang nainsulto yata ako sa tingin niya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"What?!" Singhal ko dito pero naglakad siya at binunggo ako. Aba, aba! Dahil sa inis ko kinuha ko yung dagger sa bewang ko at ibinato sa kanya pero inilagan niya kaya sa puno ito tumama.

"Tss. Kailangan mo pa nang matinding training. Hindi ka uubra saakin." Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad. Ibinalibag ko naman na isinara yung pinto kaya nagulat sila Bella at Chris na nasa malapit ko.

"Oh anong problema mo ang aga-aga" tanong ni Bella. Nililinis niya yung baril. Nakita kong lagi niya itong dala mula noong nagsimula ang training namin.

"Asan si Collin at nang masimulan na namin?!" Sabi ko at binalewala ang tanong niya. Si Aubrey naman ay may buhat na mga libro at naglalakad sa pwesto nila Bella at Chris. Habang si Nathaniel naman ay mukhang may hinahanap sa mga sword area.

"Ang excited mo naman Scarlet gusto mo lang yata akong makasama eh." Sabi ni Collin na biglang sumulpot sa tabi ko at umakbay pa.

"Asa." Tapos tinabig ko yung kamay niya at nagpunta na sa platform kung saan kami maglalaban.

Nagwa-warm up ako nang dumating na si Collin. Nag-palit siya kasi kadadating niya lang. Nagkasando lang ako ngayon pero hindi parin ako nagpalit nang pang-babang damit.

Narinig ko na lang siyang sumipol. "Ok! Let's start this! Hooo! Defense ka muna" sabi niya kaya tumango ako.

Nagulat ako nang bigla siyang sumugod kaya nasuntok niya ako sa pisngi. Shit! Malakas! "Really, Scarlet? Ikaw ba talaga ang Empress ng mga assassin?"

"You didn't give me a signal! Never mind. Again." Sabi ko. Hindi yun magandang excuse kasi alangan naman na mag paalam pa yung kalaban ko na susuntukin ako.

Sumugod ulit siya. Mukha ko ang puntirya niya. "Akala ko maiilagan mo kaya nilakasan ko." Sabi niya habang sumusuntok parin pero umismid lang ako. Kamay lang niya ang ginagamit niya hinihintay ko lang na igalaw niya ang paa niya at yun nga, tutuhurin niya sana ako nang isangga ko din ang tuhod ko sabay sapak sa mukha niya.

Gotcha! Napa-atras siya dahil sa malakas na pwersa. Narinig ko pa siyang napa-mura. "I told you, defense ka lang!" Singhal niya sakin. Putok na ngayon ang labi niya.

"Tss. Pag puro defense ako walang mangyayari saakin." Sabi ko naman dito.

"Matigas pala ulo mo. Ako naman ngayon ang defense kung ganun." Sabi niya pero sa klase nang ngiti niya mukhang may plina-plano pa ang isang ito. Pumwesto ulit kami pero susugod sana ako nang biglang pumasok sila Emely at pinatigil kami.

Napalingon si Collin sa mag pinto kaya tinuluyan ko na. Napa-mura ulit siya. Nakita ko naman si Ash na naka-ngisi at sila Nathaniel naman ay tawa nang tawa. "Maniac." Sabi ko at umalis na. Habang dumedepensa kasi ako sa dibdib ko siya naka-tingin.

Umupo na ako sa isang bakanteng upuan at nag-punas nang pawis. Pati sila Bella at Aubrey ay tawa nang tawa. "Loko ka talaga Scarlet." Sabi ni Bella. Nakita ko sila kanina ni Nathaniel na sa hand to hand combat din pati sila Aubrey at Chris pero mukhang mas madami ang away ng dalawa. Sila Ash at Klein naman ay wala kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BLACKWOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon