CHAPTER8: Part 2

97 5 0
                                    

Dedicated to: @JhoyzkieSecured

Naalimpungatan dahil sa lakas ng pagkasara ng pinto kaya napabangon ako at pati pala si Aubrey nagising dahil doon. Lumingon siya sa akin kaya napasigaw ako sa gulat "Oh my god! Oh my god! Waaaaaah! May multooooo!" sigaw ko pero siya tumatawa naman at tinuturo pa ako.

"Wahahaha! Eriel nag make-over ka ba habang tulog? Lalo kang pumangit! Wahahahaha!" at hawak pa niya ang kanyang tyan habang tumatawa.

"Manahimik ka nga! Ikaw nga eh parakang kumain ng tae!" ganti ko, bigla naman kaming napatigil, wag mong sabihing?....

"Who did this to my oh so beautiful face?" sabi niya habang pilit tinatanggal yung lipstick sa labi niya na konti na lang pati ilong niya may lipstick. Grabe talaga tong labi namin para kaming nakipaghalikan sa pwet! Ewwwww! Yuck! Nasusuka ako sa punagsasabi ko! Nang matapos kami sa paglilinis sa mukha namin nakita ko yung mga nag kalat ng make up kit! What the?

"TANSSSSSSSY!" sabay naming sigaw ni Aubrey. Grabe talaga yung babaeng yun! Reyna ng mga pranks! Humanda ka talaga saakin mamaya.

Paglabas namin ng dorm ay marami kaming nakikitang estudyante ang nagtatakbuhan papunta sa dereksyon ng woods.

"Anong nangyayari?" tanong ni Aubrey

"Eh anong malay ko. Duh magkasama tayo no?" sarkastikong sabi ko pero inirapan lang niya ako.

Papalapit na kami ng may dalawang pulis at isa pang lalaki ang dumating kasama ang prinsipal, pinaalis na ang mga estudyanteng nakiki-usyoso kaya wala na kaming nagawa at umalis na.

THIRD PERSON'S POV

Walang nagawa ang dalawa kundi mag tanong nalang sa mga nakakita kanina.

"Miss, ano bang nangyari?" tanong ni Eriel dito, tinignan lang siya nung babae at tumakbo na paalis. Napakunot naman ang noo ni Eriel dahil sa inasta ng babae.

"Ah kuya ano bang nangyari doon sa may woods?" tanong naman ni Aubrey sa isang lalaki kaya napahinto ito sa paglalakad.

"Yun ba? Namatay si Iniego Lee dahil sa tama ng baril sa kanyang ulo" sagot nito pagkatapos ay umalis na. Natigil naman ang dalawa dahil sa narinig na sagot nito.

"Iniego Lee ang star player ng soccer team? Namatay?" hindi makapaniwalang sabi ni Aubrey. Crush na crush ni Aubrey si Iniego Lee mula ng makita niya ito.

Si Eriel naman ay napaisip dahil sa nangyari, suicide? Accident? O murder ang nangyari.

"Sigurado akong alam na to ng dalawa" sabi ni Eriel kaya tumango naman si Aubrey at sumunod na dito.

Samantala nag uusap naman sina Scarlet at Bella sa tagong lugarng library, kung saan sila unang nag-usap noon.

"Bella, alam kong may idea ka sa nangyayari" pagkokon-clude ni Scarlet dito. Pagkatapos kasi ng pag uusap kanina ni Scarlet at Ash ay tinawagan na niya si Bella na magkita sila sa library.

"Sa totoo niyan wala talaga akong alam. At ito ang unang pagkakataon na mau murder na nangyari. Pero ang kalat na balita ay isang suicide ang nangyari at hindi murder. Nag away daw kasi si Iniego at ng kanyang girlfriend na si Lyka kristobal na leader ng cheering squad. Siguro iniisip na nag pakamatay ito dahil sa pag-aaway nila. Para saakin ay ang babaw naman na dahilan yun. Alam ni Iniego ang ginagawa niya at alam kong kaya niyang ayusin ito sa tama at mabuting paraan." mahabang litanya ni Bella kaya napatayo si Scarlet.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Bella dito at tumayo nadin.

"Hahanapin si Kristobal, gusto kong malaman ang nangyari bago sila nagkahiwalay ni Lee" sagot nito.

"Wag ka ng makialam Scarlet. Meron namang pulis at detective dyan hayaan mo ng sila ang gumawa at makatuklas sa nangyari" pagpipigil ni Bella dito kaso parang walang narinig si Scarlet at nagpatuloy sa paglalakad.

"Kailangan ko lang malaman kung may kinalaman ang Mafia dito" sabi ni Scarlet

"Sasama ako" walang pag aalinlangang sabi ni Bella at hindi narin ito pinigilan ni Scarlet dahil alam niyang disidido na ito na sumama.

SCARLET'S POV

Pumunta kami ng gym dahil nandun daw ngayun ang team nila Lyka Kristobal, pagpasok namin hinanap agad namin siya kaso hindi ko alam kung anong itsura niya.

"Wala siya dito" sabi ni Bella at tumakbo siya patungong shower room kaya sumunod ako. Nakita namin ang isang babae na nagliligpit ng gamit niya, siya na siguro si Lyka Kristobal.

"Lyka... Pwede ba tayong mag usap" napahinto si Lyka sa pag aayos at napatingin samin, kita ko pa ang pag laki ng mata niya.

"Anong pag uusapan natin?" tanong nito. Sa daloy ng usapan ay parang may namumuong tensyon sa pagitan nila.

"Alam mo naman na siguro ang nangyari?" pagkarinig niya sa tanong ni Bella ay napaharap siya bigla samin.

"So. You're thinking that its my fault?" napataas ang boses nito. Hindi ko na natiis ang daloy ng usapan nila dahil parang mag aawag sila kung sasagot pa si Bella sayang lang ang oras ko kaya ako na ang nag salita.

"Hindi ka namin sinisisi Ms. Kristobal sa nangyari, All we need is the details before the incident was happened?" napatingin naman siya sakin dahil sa sinabi ko at napabuntong hininga siya.

"Can you tell us whag happened?" tanong ko dito.

"Why you need the details miss?" Ano ba yan nagtanong pa. Tsk

"Lyka..." babalang sabi ni Bella dito, nagroll eyes naman si Lyka. Magkakilala nga sila.

"Fine. Nag away kami kahapon dahil nagselos siya sa captain ng basketball team. Tapos nung umuulan tinext ako ni Fred kung kasama ko daw ba si Iniego kasi paalam daw niya sa ka team niya na magkikita kami ng bandang 7pm. Pupuntahan ko sana siya doon kasi nag aalala na ako at hindi ko nadin siya makontack. Palabas na ako ng dorm ng pigilan ako ng guard kaya wala akong nagawa. Pagising ko na lang kinaumagahan na balitaan ko na lang yunv nangyari" naiyak na siya dahil sa pagkwekwento, dinaluhan naman siya ni Bella.

"Tama na Lyka. Sige magpahinga kana alam kong pagod ka sa practice niyo kanina." pag-aalo niya dito.

"Salamat sa pagkwekwento" sabi ko dito. Aalis na sana kami ni Bella ng hawakan niya ang nito.

"Are we ok now?" biglang tanong ni Lyka. Nginitian naman siya ni Bella at tumango.

"Hindi kita matitiis" sagot ni Bella. Ok wala ako dito.

"Oh! By the way Lyka, meet my new friend Scarlet and Scarlet meet my bestbody Lyka" tumango lang ako kay Lyka.

"Huwag mong sisisihin ang pagkawala niya" sabi ko at naglakad na paalis.

Nakalabas na ako ng Gym ng marinig kong magsalita si Bella. "Hindi tayo makakapasok ng woods dahil may nakabantay na pulis halos buong woods ay napapalibutan ng pulis" sabi ni Bella habang nakatingin kami sa woods. Napangisi naman ako, sabi nga nila...

Kung gusto may paraan kung ayaw maraming dahilan....


Sorry guys natagalan sa UD. Sana maintindihan ninyo :-)

BLACKWOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon