Chapter 16: The Story

35 1 2
                                    


Dedicated to:MiladyTheThird

Nang makita ko siya. Mababakas ang pagkaseryoso sa kanyang mukha at parang ayaw niya ang nangyayari. Wala akong nagawa at nilapitan ko siya. Gulat ang ekspresyon ng aking mga kasama dahil ni minsan hindi lumabas ang isang Natazha Alynna Park sa kanyang lab room maliban na lang kung importante ang kanyang lalakarin.

Nakita ko sa kanyang likuran si Jack at Kleen mukhang pinipigilan nila kanina si Mom. "Let's talk at the office" sabi nito at nauna nang naglakad kaya sumunod na kaming tatlo. Habang naglalakad walang umiimik sa amin, nadaanan namin ang madaming estudyante at mukhang nakaagaw kami ng pansin. Yung mga naglalakad sa dadaanan namin ay kusang gumilid at nagbulung-bulungan pa, mukhang kilala nila si Natazha Alynna.

Nang makarating kami sa aming destinasyon ay pumasok kami pero naiwan sa labas sina Jack at Kleen. Humarap siya saakin, walang emosyon sa kanyang mukha. "What are you doing here?" Mahinahong tanong ko.

"I should be the one who will ask that. What are you doing in this kind of school?" May pagkainis na tono ng kanyang pananalita. Umupo ako sa sofa at ngayon ay magkaharap na kami. Kahit nanay ko siya parang walang ganun label ang pag-uusap namin pag nag seryoso na kami kaya minsan si Daddy ay natatawa lang at inaawat kami sa bangayan namin dahil para daw kaming mag-kaibigan.

"I got curious so..."

"Minsan yang pagka-curious mo ang papatay sayo." Natawa na lang ako sa sinabi niya. She's being paranoid again.

"So, Next month papasok na ako sa loob ng arena. Kung noon ko pa sana ito nalaman na may ganitong school pala na nag e-exist nakapag handa na sana ako at nakapasok noong unang taon ko nang highschool." Sumeryoso ulit siya nang marinig ang sinabi ko. Napapikit siya at sumandal sa kanyang upuan.

"Saan mo nabalitaan ang paaralan na ito?"

"Nakita ko sa list ni Buttler Charles. It caught my attention so..."

"Dumating na ang kinakatakutan ko. Tama siya na kahit anong gawin ko mapapabilang ka sa battle na ito. Una ba ito sa listahan na ibinigay niya?" Kahit naguguluhan ako sa pinagsasabi niya ay tumango ako.

"Naka-bold, italic siya. Then kulay gold ang letters di tulad nung iba na plain lang. Why?"

BLACKWOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon