19.

347 7 0
                                        

I woke up from my nap when I heard my phone ringing. I looked at the digital clock on my bed side table, it's 11:45 PM. Too early for Ame to get drunk, that girl's alcohol tolerance is too high for my liking but definitely helpful. Feeling ko nagmasteral na nga siya ng pag-iinom.

"Ok, before ka magpanic, I just want to say na di ako lasing pero please sunduin mo na ako Khaleeeeee." Sunod-sunod niyang sabi pagkasagot ko ng tawag niya.

Napangiwi ako. Alright, she's not drunk but definitely pissed. Ang sakit sa tenga nong matinis niyang boses.

"Ok, kina Ali ba?" I asked. Madalas kasi sila don mag-inom dahil malapit lang.

"Oo, bilisan mo ha. Ayaw ko makita pagmumukha nong lalaking 'yon. Naiinis ako." She whines.

Feel ko nagpapapadyak na 'yon sa inis ngayon. I brushed my long hair with my fingers pagkatapos ay itinali yon gamit yong hair tie na laging nasa wrist ko.

"Ok, don't do anything stupid. On the way na 'ko."

Kinuha ko agad yong maong kong jacket na nasa hanger na nakasabit sa likod ng pinto. Hindi na ako nagpalit ng pantulog dahil susunduin ko lang naman si Ame.

Pababa ako sa hagdan nong makita si Isaac na nasa living room, nakaharap sa laptop at mukhang busy sa kung ano man yong ginagawa niya. Saka ko lang narealize na sabi niya nga pala sasama siya pagsundo kay Ame.

Bakit ba siya sasama? Nakakaiyak, ayaw ko na siya icrush. Lagi na lang nasa paligid lang, feel ko makakagawa ako ng something na nakakahiya kapag kasama ko siya

Dahan-dahan akong naglakad para di makagawa ng ingay, plano ko kasi siyang iwan na lang tapos sasabihin ko na lang na nakalimutan kong sasama pala siya.

Nakakainis. Bigla siyang nagtaas ng tingin tapos ngumiti. Bakit siya ngumingiti, naiinis ako. Gusto ko maglupasay.

"Tara na?" Tanong niya.

Napasimangot ako noong sinara niya yong laptop niya.

"Saglit lang." He said. Pumasok siya don sa hallway papunta sa rooms ng mga lalaki.

What if iiwan ko siya?

Kailangan ko na talaga siya i-uncrush. Bakit ba dito din siya nakatira? Papansin.

At bakit ba hindi ko alam na pinsan siya ni Ame? Mukhang close naman sila at lagi akong nasa bahay nina Ame. Present din ako sa celebrations nila, so bakit di ko siya kilala?

Nakajacket na siya nong bumalik siya. Tulad ko ay hindi na din siya nagpalit ng damit - shit! Hindi ako nagpalit ng pantulog! I'm sure I look stupid. Ni hindi ako nagsuot ulit ng bra dahil may jacket naman ako, saka di naman malaki boobs ko. Pero nakakahiya naman sa kanya! Matching pajamas pa naman suot ko, tapos may bears!

"Tara."

Napilitan akong sumunod sa kanya palabas. Ayaw ko talaga siya isama. Feel ko mamatay ako sa kaba tapos siya nakangiti pa don!

Ang awkward nong sumakay siya sa motor. Parang tanga naman kasi.

"Saan ako hahawak?" Natatawa nyang tanong niya.

"Dyan sa likod." Napataas 'yong boses ko. Hindi naman ako galit, naiinis lang na nandito kami sa gantong situation.

"Ayaw mo dito?" He asked, inilagay niya yong kamay niya sa bewang ko. Halos matumba kami pareho dahil napatalon ako sa gulat. Buti na lang malaking tao siya kaya nabalance niya agad kami pareho.

"Ok, sa likod na lang." I heard him say.

I sighed when he finally removed his hand on my waist. That was the longest 5 minutes of my life.

CRUSH COURSE 101 (Phase 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon