84.

187 2 0
                                    

Messenger
-

Amelia Quinn Vera

3:15 PM

Amelia:
Ganon ba talaga kapag crush 'yong
kachat? Parang nagiging ibang tao,
nagiging shy type pero balahura
naman talaga

Cure use lang

Isaac:
Shut up

Amelia:
Pati yong mga emoji pababy

Isaac:
Chismosa mo talaga

Amelia:
EXCUSE ME PO HA

Kasalanan ko ba na nakita ko
ACCIDENTALLY yong chats nyo

Sus

Isaac:
Di na ako naniniwala sa'yo

Amelia:
For thesis purposes lang naman e

I have a question pa pala

Isaac:
Wala akong pake

Amelia:
Tingnan mo, pakasama talaga
n

g ugali mo

Isaac:
Ikaw din

3:46 PM

Amelia:
Stalker ka ba lods

Isaac:
Ano na naman

Amelia:
Bakit andito ka din sa tspot?

Nong nasa puregold kami
andon ka din

Isaac:
Nauna kami ha

May seat pa dito sa table namin,
dito na lang kayo

Amelia:
Ayoko nga, di ako makapag-enjoy
kapag nakikita kita
[2️⃣]

5:01 PM

Isaac:
Uuwi ba kayo bukas or
Saturday pa?

Amelia:
Funny how you're asking me that
kahit wala ka naman talagang
pake kung uuwi ako or not

Isaac:
Funny how you're friends w Khalee
e magkaibang-magkaiba ugali nyo?

Amelia:
Opposites attract pwe

Isaac:
😮

Amelia:
😒

Isaac:
Ano nga? Kelan ba uwi nyo

Amelia:
Bakit hindi si Khalee tanungin mo
e nakikisabay lang naman ako
umuwi don

Isaac:
Sa'yo na lang

Isaac:
Feel ko kota na ko kay Khalee this week,
baka magsawa na sakin

Amelia:
Ay nagbibilang ka lods?

Isaac:
Syempre, di pa nga siya ready diba
alangan naman na sige ako ng sige
tas natatakot na pala

Amelia:
Grabe ang considerate naman lods

Pero ano, feel ko kasi dapat umamin
ka na din para wala ka ng what if?

Di kasi alam ni Khalee feelings mo lods
kaya mas takot yon

Do you want me to tell her ba?

Isaac:
NO!

She's not ready for something serious

Sobrang clear niyan, ilang beses niya
pinaulit-ulit

"Happy crush lang naman yong gusto
ko, alam mo yong kilig-kilig lang? Kaya
sobrang natakot ako nong lumalalim na.
Hindi ko kaya ihandle 'yong feeling, parang
nagugulo 'yong buong pagkatao ko."

Paano ako makakaamin kung ganyan?
Ayaw ko lang naman siya mawala,
andyan na e, kaya ko naman maghintay.

I'll take whatever she can give me,
and give whatever I can give while
waiting until she's ready.

Kahit gaano katagal

Amelia:
Tangina mo HAHAHAHA
SINO KA DYAN???

Di ko alam beh, parang nagtransform
ka bigla. Parang di na kita kilala?

Maglandian na lang kayo everyday,
nahiya ka pa sa every two days nyong
schedule na sulit na sulit naman
kasi halos whole day akong naiirita
sa mukha mo 😡

Isaac:
Wala ka naman karapatan mairita
dahil ako sumasalo sa gawain mo
sa kusina

Amelia:
Nagrereklamo ka ba?

Isaac:
SINASABI KO LANG!

Kapag nagsasabay tayo kumain,
ako naman naghuhugas ng pinggan
swerte mo nga

Amelia:
NAGREREKLAMO KA E

Isaac:
Di mo kasi ako magets kasi
wala ka namang nagugustuhan ng
ganon sa pagkagusto ko kay Khalee

Madami ka kasing lalaki

Amelia:
Wow ha, coming from you?

Isaac:
Magtino ka na kasi, masarap sa
feeling promise

Amelia:
EDI JOWAIN MO?

6:58 PM

Amelia:
Tingnan mo 'to

Aayaw pa kanina magtanong tas
ngayon di na mapaghiwalay

Ganyan ka pala in person

Isaac:
Ang OA mo, saglit lang naman
ako nagtanong

Amelia:
Sige lods, sabi mo yan e syempre
ako yong mali 👍

JOKE HAHAHAH gagalit naman
agad si idle

Huy lam mo ba

✨☺️😳😆😁😅😔✨ ganto mga
expression mo kapag kaharap
mo si Khalee or whenever
you're telling stories about her

✨😡😤🤬🤡✨ tapos ganto naman
kapag ako or kapag mga friends
mo kausap mo

FAKE FRIEND/COUSIN KA TALAGA

CRUSH COURSE 101 (Phase 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon