Nakakunot ang noo ko habang hinihintay si Isaac sa living room. Nakakainis naman e, one week ko na ngang hindi nakita tapos mauutusan pa ako ng girlfriend (?) niya na iabot sa kanya 'yong paper bag na masakit sa mata 'yong kulay.
Damit daw ni Isaac 'yong laman, sinabi niya kahit 'di ko naman tinatanong. Hindi ko tuloy maiwasang di mag-isip ng kung ano-ano. Pero pinipilit kong 'di na mag-isip kasi crush ko lang naman siya.
Pero bakit kasi nasa kanya 'yong damit ni Isaac? Hindi naman daw pala girlfriend (?)
Hindi naman ako naghintay ng matagal, ilang minuto lang ay nasa living room na si Isaac. Nakasando at shorts lang, magulo pa ang buhok at walang suot na tsinelas. He looked so comfy, parang hindi nasstress kahit accountancy program niya.
"Thank you." He said when I handed him the paper bag.
"Ano... hindi ko girlfriend 'yon." Dagdag niya pa.
I nodded slowly.
"Wala akong girlfriend." Sabi niya ulit.
Napanguso ako, bakit paulit-ulit ba siya?
"Wala talaga."
"Okay?" Ano ba gusto niya iparating?
I heard him sigh. Mukha siyang frustrated na ewan. Parang hindi mapakali.
"Si Lean ba nagdala nito?"
"Huh? Si April."
Madami ba talaga siyang babae? Last time I checked, wala namang second name si April. I should know kasi classmates kami 'noong elementary. So, iba pa 'yong Lean?
I heard him laugh awkwardly.
"Hindi ko girlfriend si April." Sabi niya ulit. "Saka si Lean."
I nodded, kasi ano sasabihin ko? Wala naman.
"Wala akong girlfriend."
BINABASA MO ANG
CRUSH COURSE 101 (Phase 3)
Teen FictionCrush and coffees. An epistolary : I think I like him : I know - Started: 03|04|23 Finished: 06|25|23