"Gusto mo pa?" I heard Isaac asked.
Napatingin ako sa mga pagkaing nasa harapan ko. Gusto ko pa but I'm already full. I sighed and looked at the guy in front of me. Hati ang atensyon niya sa akin at sa cellphone niyang kanina pa tumutunog.
"Baka importante." I said ng muling tumunog ang phone niya.
"It's not."
He stood up from his chair at lumapit sa counter. He paid for our foods at tinake-out 'yong tira namin.
"I should've paid for myself." Nakasimangot kong sabi ng makalabas kami sa cafe. "Ang dami kong nakain."
He raised his eyebrows on me. Yumayabang na siya porke alam niyang medyo comfortable na ako around him.
"Sa sunod ka na lang."
Napanguso ako, may susunod pa? 'Yong puso ko baka hindi na talaga kayanin 'yong kilig. Feeling ko nabawasan na ng ten years 'yong life ko mula noong nakilala ko siya.
Naglakad kami papalapit sa motor niya. Nag-init ang pisngi ko ng maalala na halos nakayakap na ako sa kanya kanina. Kung bakit ba naman sa dami ng kaibigan kong pwede kong yayain paalis kina Ame ay siya pa ang nahigit ko.
"Wait nga."
I stopped walking when he also stopped para sagutin na 'yong phone niya. Hindi siya lumayo kaya dinig na dinig ko 'yong sinasabi niya sa kausap niya.
"Busy nga ako, ang kulit!" Naiinis niyang sabi pagkasagot sa tawag, wala man lang hello.
Hindi naman talaga siya busy, I wonder who's calling him. Sobrang late na, mag-aalas dose na.
"Ayoko." That's his last words for whoever's on the other line.
"Is that important?" Hindi ko mapigilang tanong ng isinilid niya sa bulsa niya 'yong phone niya.
"No." I saw him pout. Cute.
"Are you sure?"
"That's just Axel, nagyayaya ng inom."
"And you're not going because of me? Or ayaw mo lang talaga?"
"Kailangan kita iuwi, Khalee." He said na parang iyon 'yong sagot sa tanong ko.
Halos lahat ng bisita ni Ame mag-oovernight sa kanila. I can really use some distraction.
"Let's go to your friend's inuman na lang." Sabi ko.
Bigla siyang napatingin sa akin.
"Wait pala, pwede ba ako don?"

BINABASA MO ANG
CRUSH COURSE 101 (Phase 3)
Teen FictionCrush and coffees. An epistolary : I think I like him : I know - Started: 03|04|23 Finished: 06|25|23