"Khalee, nandito na 'yong sundo mo." I heard my groupmate say.
Inayos ko 'yong mga gamit ko at inilagay lahat sa dala kong tote bag.
"Pakisabi saglit lang, mag-ccr lang ako."
Mabilis ako pumunta sa cr. Lagi kaming dito gumagawa ng projects kaya alam kong may salamin sa cr. Itinali ko ng maayos 'yong nagulo kong buhok. Naglipbalm at polbo ako, ang oily-oily kasi ng mukha ko, hindi na nga ako maputi tapos makintab pa.
Nong feeling ko ay ayos na ang itsura ko ay lumabas na ako sa cr. Nasa loob na si Isaac at chinichika nong mga kaklase ko.
"May tinatago ka palang pogi Khalee, akala ko share-share tayo ng blessing dito, bakit nanlalamang ka?" Sabi ni Milly.
Napanguso ako at napatingin kay Isaac na tumatawa lang, sanay naman na ako na ganyan sila magsalita pero baka kasi kung anong isipin ni Isaac.
"Oo nga Khalee, sinasaktan mo feelings ko. Akala ko pa naman may tayo talaga." Biro ni Stephen.
Umakbay pa siya sakin kaya umirap ako at pabiro siyang siniko. The problem with not saying what I'm thinking or feeling is akala nila okay lang 'yong ginagawa nila. Ilang beses na akong sinasabihan ni Ame about sa ugali kong ito pero kahit anong gawin ko, wala talaga akong lakas ng loob na sabihin yong saloobin ko. Feel ko magca-cause ako ng unnecessary drama na hindi ko alam kung paano ihahandle kapag nagsalita ako.
"Tara na Khalee." I heard Isaac.
Nagulat pa ako nong nasa harap ko na siya agad, nakaupo lang siya don sa sofa kanina kasama nong mga kaklase kong babae. Ang comfortable niya around everyone talaga.
"Ganon talaga sila?" Bigla nyang tanong nong nakalabas na kami sa house ng classmate ko.
"Huh?"
"Yong mga classmates mo, ganon talaga sila?"
"Ah, oo." I said without looking at him.
"And okay lang 'yon sa'yo?"
"Sanay na ako."
"But you looked uncomfortable. Ganon ka talaga lagi?"
"Ano?"
"I mean, you act okay kahit na hindi naman talaga."
Saglit akong tumingin sa kanya. Nakasimangot siya habang nakatingin malayo.
"Ganon ka din around me."
BINABASA MO ANG
CRUSH COURSE 101 (Phase 3)
Teen FictionCrush and coffees. An epistolary : I think I like him : I know - Started: 03|04|23 Finished: 06|25|23