Messenger
–
Ame
9:34 PM
Khalee:
You know that I love you right?
But I think this is really your fault 😭
Ame:
Ano na naman ginawa ko?
Khalee:
Di mo kasi binabati si Ali
Kaya kay Isaac mo 'ko pinapasundo lagi
Kaya ang dami na naming interactions,
tapos lagi akong nililibre ng coffee
and sweets, tapos kasabay natin kumain,
tapos nasasarapan pa siya sa luto ko
Kasalanan mo 'to e
Crush ko lang naman talaga
dapat yon Ame 😭
Ame:
Gagi! Kala ko nalaman mo na
binabackstab kita e
Khalee:
Ano na gagawin ko kasi
Ame:
Ano baaa
Sure na ba 'yan?
'di na crush lang? Final na talaga?
Khalee:
Ewan
Feeling ko
But I'm not sure pa talaga
Malay ko ba sa ganitong feeling
Basta something changed
Ame:
Hala beh
What if ano
Di lang like
What if mahal mo na pala
GAGI NAKAKADIRI
Khalee:
DON'T GO THERE!
Nagpapanic na ako dito
I don't want this 😶
Ame:
Uy
Ano, papalayasin na ba natin sa bh yan?
'wag na lang natin pansinin
Khalee:
Di ko talaga papansinin
OMG BAKIT BA DI NA LANG AKO
LAMUNIN NG LUPA 😭
I DID SOMETHING STUPID
AYAW KO NA
Ame:
BEH KUMALMA KA NGA
Nasaan ka ba?
Nag-overnight ka ba na di ko alam?
Malapit na mag10 tapos wala ka pa dito
gawain ba ng matinong babae yan???
Joke ½
Khalee:
Umuwi nga 'ko sa bahay diba
Parang ayaw ko na magbh, di ko na kaya
harapin pinsan mo
Bakit ba kasi ang stupid ko 😭
Ame:
G
AGO BA YOU
WHAT DID YOU DO PARA UMUWI KA
SA INYO KAHIT 7:30 ANG CLASS MO
BUKAS
Umamin ka ba????
NAREJECT BA YOU???
ABA SIRAULO 'YON HA
Khalee:
[Umamin ka ba????]
Replied: NOOOOOO
Ame:
E hindi naman pala e
You'll be okay
Inhale, exhale lang katapat nyan
9:59 PM
Khalee:
I got jealous 😭
Ame:
HAAAAA????
Gago beh, di dapat ganyan
Nakakaalis ng angas 'yan lods
Khalee:
E kasi naman e
Hinintay n'ya kasi ako kanina
kasi kakain daw kami sa bayan
Ame:
Nagbago ka na talaga lods :((
Pakain-kain pa kayo sa bayan
Khalee:
Hindi nga natuloy 😭
Sabi niya kasi sa bh nya ko hihintayin
tapos aangkas na lang niya ako pabayan
Badtrip kasi ako kanina after n'ong quiz
namin na di ko alam kung saan hinuhugot
ni engr. huhu
Tapos nong papasok na ko sa bh, tinawag
ako nong girl na nasa likod ko. Si Isaac
ang sadya beh! Tapos siya daw si lean, may
pina-aabot na t-shirt sa'kin kay Isaac. Nainis
ako kasi naalala ko yong last time na nagpa-
abot ng t-shirt sa'kin si April, may nabanggit
si Isaac na Lean huhu
Nakakainis kasi ang ganda niya tapos
mukhang confident pa and friendly
Tapos nakamake-up pa siya
E di naman ako nakamake-up kasi feel
ko wala namang use kasi mag-aayos ako
tapos pagdating sa room magla-lab kami,
magtetest ng lupa, edi sayang lang yong
make-up dibaaa
Tapos 'pag bukas ko nong pinto andon
si Isaac, parang may hinihintay
Di ko alam kung anong sumapi sakin 😭
Binigay ko sa kanya ng padabog yong paper
bag, kasi feel ko 'yong Lean 'yong inaabangan
niya 😭
Tapos sabi ko, "Edi 'yong Lean na lang na
'yon ang isama mo sa bayan"
BEH HUHU
Nagulat yata sakin
Tapos narealize ko 'yong ginawa kong
kahihiyan kaya umuwi na lang ako
Ame:
Beh ano
Alam kong nagpapanic ka na dyan
Pero pwede bang tumawa 😭
BINABASA MO ANG
CRUSH COURSE 101 (Phase 3)
Teen FictionCrush and coffees. An epistolary : I think I like him : I know - Started: 03|04|23 Finished: 06|25|23
