100.

318 9 0
                                        

Parang nawala bigla yong hilo ko nong nabasa ko 'yong sunod-sunod na texts ni Isaac. Ilang beses kong paulit-ulit na binasa 'yong mga sinabi ko sa kanya, mayroon pang voice message!

I closed my eyes in embarrassment. Bakit ko ba nasabi 'yong mga 'yon? Nakakainis! Nakakahiya!

"Ano problema mo dyan?" I heard Ame asked.

Papalabas siya sa banyo. Sumimangot ako, ni hindi man lang siya tinamaan sa ininom namin. Nakuha niya pa talagang magskin care at maligo habang nagtetext na pala ako ng kung ano-ano kay Isaac.

Inis kong pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi ko. Ayan na naman. Nakakainis naman e.

"Ame, ano gagawin ko?" I sniffed. "Ikaw kasi e, bakit mo ko iniwanan dito mag-isa!"

"Tulog ka naman nong pumasok ako sa banyo ah, kinumutan pa nga kita e!" Irap niya sa akin.

"Ame, nagising yata ako agad. Ang dami kong texts kay Isaac. Sana lamunin na laang ako ng lupa, ayaw ko na talaga." Muli akong umiyak.

I know that I looked stupid and childish. Pero hindi ko talaga mapigilan 'yong luha ko. Mas lalo lang akong nagpanic nang marinig ko ang sunod-sunod na tunog ng doorbell kasabay ng pagtunog ng message notification ng phone ko.

He's already outside.

Hindi ko alam kung aayusin ko pa 'yong sarili ko o pupunta na agad sa baba dahil baka magising sina mama sa ingay ng doorbell. Nakakainis naman kasi.

Anong kahihiyan na naman ba itong ginawa ko?

Sa huli ay nagmadali akong pumasok sa banyo para maghilamos saka dumiretso sa baba. Sobrang lakas ng tibok ng dibdib ko habang binubuksan yong gate, gusto ko na talagang maglaho.

Naging doble ang pagtahip ng dibdib ko ng magtama ang mga paningin namin ni Isaac. Pakiramdam ko ay tumigil 'yong pag-inog ng mundo ko na kahit 'yong ingay ng kulisap ay hindi ko na madinig.

"Khalee." I heard him whisper while enclosing me with a hug.

I suddenly felt warm in the middle of the cold and dark night. Unti-unting kumalma 'yong buong pagkatao ko.

"Manliligaw ako, I'll wait for you kahit gaano pa katagal."

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya, wala na akong pakialam kung mabasa ko pa 'yong suot niyang damit.

"Don't cry, mahal kita Khalee." He whispered softly against my ear.

Hindi ko alam kung bakit imbis na 'mahal din kita' 'yong masabi ko sa kanya ay iba 'yong lumabas sa bibig ko.

"Hintay na naman? Hindi ko alam kung blessing ba 'yang patience mo o hindi. Ayaw ko na nga ng hintay e. " I whined.

"Shhh, tahan na." Pag-aalo niya sa akin. "Please, Khalee."

I felt him held my shoulders, dahan-dahan niya akong inilayo sa kanya upang matingnan ng maayos. His hands then moved to cup both of my cheeks and wiped my tears with his thumbs.

Sumimangot ako ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. Ano? Natutuwa siyang umiiyak ako? Hindi niya na ba ako mahal?

"I can't ask you to be my girlfriend now, Khalee. You're drunk." He said slowly.

Sinabi niya iyon na parang sensitive akong bata na basta na lang iiyak kapag may narinig na hindi ko gusto.

"Edi 'wag! Akala mo ba gusto kita? Hindi na kita gusto? Ayaw ko na nga ng hintay-hintay na 'yan di'ba? Ang kulit-kulit mo!"

"Hayyy, Khalee." He chuckled lightly.

Muli niya akong ikinulong sa yakap.

"Bukas." He whispered. "I'll ask you to be my girlfriend when you're sober. Gusto ko sigurado ka."

CRUSH COURSE 101 (Phase 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon