Ikatlong Pahina: Pagkakasundo

1 0 0
                                    

Third Person's POV

Pagkatapos ng kumprontasyon ng dalawang dalaga ay dumiretso sila sa isang convenience store para magpakalma ng nararamdaman.

Naiwan si Adora sa loob ng sasakyan habang hinihintay ang pagbalik ng pinsang si Soleil. Maya-maya ay bumalik ito kaya nangangapang binuksan ni Adora ang bintana. 

"Pakuha ako ng bag ko sa likod. Piso lang yung nadala ko. Nakakahiya" Taliwas sa sinasabi niya ang ekspresyon na makikita sa mukha ni Soleil. Mas nangingibabaw ang antok sa mukha nito dahil sa walang habas na paginom ngunit gayunpaman ay pinipilit niyang magising dahil sa kagustuhang makausap pa ang pinsang matagal nang hindi nakakasama.

Inabot ni Adora sa dalaga ang pinapaabot nito at pinagmasdan itong pasuray-suray na maglakad.

'Okay lang ba talaga 'yon?'

Tanong ni Adora sa isipan. Nang makabalik si Soleil sa kotse ay itinapon lang lahat nito ang mga pinamili galing sa supot sa kaniyang kandungan.

Nagkakalkal ito na para bang may hinahanap na hindi mahanap-hanap. "What are you doing? Are you sure you're alright?"

"Oo naman, nasa katinuan pa ako no" Depensa nito.

"Akin na nga. What are you trying to find?" Isa-isa niyang kinuha ang mga pagkain pabalik sa supot.

"The ice cream"

"Maraming ice cream dito" Sagot pabalik ni Adora sa wala paring wisyong pinsan.

"The banana one. It's yours" Tinitigan ni Adora ito bago kalkalin muli ang supot at kinuha ito. Nakita naman niya ang isang ice cream na may cheese flavor.
 
"And here's yours" Abot nito ng hindi man lang tumitingin sa pinsan. Itinuloy niya lang ang paghahanap ng tubig sa loob ng supot.

"You remember?" Gulat na tanong ni Soleil.

"Don't act surprised. You clearly remember mine as well" Pagkatapos ay inabot nito ang tubig. "By the way, thank you" Dugtong ni Adora.

"Sa pagkain?"

"No, i'll pay for this someday. Thank you for stopping me. I am not on the right state of mind earlier"

"Oh come on. Babayaran mo pa 'to? 'Wag na, parang ayan lang. Wag ka ngang magpakatrying hard magmature. This is the time para maranasan mo yung bagay na hindi mo naranasan on half of you childhood" Taimtim siyang pinagmasdan ni Adora. Binabasa kung ano ang nasa isipan nito ngunit katulad kanina ay ganon lang ang itsura niya ngayon.

Walang pagkakailang tama nga si Soleil sa sinabi nito. Ang agang naranasan ni Adora ang maabot ang pagdadalaga at pakikibagay sa mga matatanda dahil sa karamdaman niya.

Kalahati ng pagkabata niya ay tila inilayo sa kaniya. Nagawa niyang maisip na mas nararapat na sundin ang mga mas nakatatanda upang hindi masaktan ang mga damdamin ng mga ito.

"Hindi ko naman magagawang magpakaselfish pa ng ganito ang sitwasyon ko. They've done enough for me. Besides, hindi mo lang alam pero naging selfless ako. Sarili ko lang ang iniisip ko nung nakaraan. I don't want to burden them any further"

"But atleast enjoy your life--like a normal teenager. Ayos lang naman kung maging selfish ka sometimes because you need it to value yourself even more. Selfish na 'yon sa'yo? You know what's your problem Until now you are so annoying. Naiisip mo ang ibang tao pero hindi mo naman nagagawang isipin ang sarili mo"

Lumingon si Adora sa pinsan. "How about you? Can you allow yourself to see them suffering for your sake? Always Soleil, kahit hindi nila sabihin alam kong nahihirapan na sila sa akin. At hindi ko maaatim na makita pa sila na mahirapan pa para sa akin just because i wanted to be normal when in the first place, my health is undeniably abnormal" Mapait na napangiti si Adora. "Tanggap ko na, Soleil. Tanggap ko nang kahit kailan hindi magiging normal ang buhay ko. Kaya siguro punong puno na ako ng inggit sa katawan ngayon. Naiinggit ako sa mga tao sa paligid ko na nagagawa parin yung mga gusto nila samantalang ako nakahilata lang palagi sa hospital bed ko. I looks so pathetic all the time that i disgust myself and this body" Paliwanag pa nito.

Book, Blossom And Fate: The Book of Destinesia [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon