Ika-limang Pahina: Ang Libro sa Panaginip

1 0 0
                                    

Nagdaan ang ilang araw, ang paulit-ulit na takbo ng buhay ni Adora ay nagbago magmula nang kausapin muli siya ni Soleil at makita ang libro ng Destinesia.

Sa nagdaang mga araw ay panay ang bisita sa kaniya ng pinsang si Soleil tuwing sasapit ang hapon pagkauwing-pagkauwi nito mula sa eskwelahan. Umaalis silang dalawa dala ang kaniyang portable oxygen kung sakaling kakailanganin niya.

Nakailang kabanata na rin siya. Hindi niya akalain na magugustuhan niya ng sobra ang misteryosong libro. Sa kabila ng misteryosong pagtatagpo nila nito at ang nakakapagtakhang mga pangyayari na naguukit ng maraming bakit at paano sa isipan ni Adora ay natabunan ito ng galak sa tuwing nababasa niya ang patungkol sa mundo ng Destinesia.

Nawawala ang takot at pagkabahala sa bawat oras na mailalarawan niya sa isip ang itsura ng Destinesia. Nasabi sa libro na ang lugar na ito ay inilikha na pawang langit kaya ayon sa imahinasyon ni Adora ay sobrang payapa ng lugar na ito kung titignan.

Nagbabakasakali na sana ay totoo nalang talaga ang lugar na ito. Hindi niya maiwasang mainggit sa nahirang na tagapangalaga ng Taglagas na Panahon. Nanggaling ito mula sa mundo ng mga tao at nakapunta sa mundo ng Destinesia.

Alam ni Adora na hindi totoo ang mga pantasya at kahit anong gawin niyang pagsamba sa lugar na ito at pagtawag sa kung ano-anong mga santo ay hindi kailanman magkakatotoo ito ngunit sa kabilang dako ng kaniyang isipan ay magbabakasakali siya't humihiling na sana ay kahit isang porsyento ay may pagasang magkatotoo ang kwentong ito.

Tuwang tuwa siya sa kwento na umabot pa sa puntong humiling siya na sana ay mapuntahan niya ito. Maranasan man lang kahit sandali kung ano ang pakiramdam na tumira sa isang lugar na pawang isang langit. Walang sakit, walang paghihirap, walang gulo, panay lamang  kasiyahan at kapayapaan.

Nasa kabanata sampu na siya sa ika-tatlong pu't tatlong pahina nang magtakha siya. Pagkalipat niya kasi sa susunod na pahina ay blanko na ito maliban sa isang maliit na tuldok.
 

Adora's POV   
 
Nafrustrate ako ng sobrang sobra.  Just when i thought this book will be on top of my list. Kahit anong lipat ko ng pahina ay wala na akong mahanap na kahit anong bakas ng ink na pinanggamit din sa pagsusulat.

Naningkit ang mga mata ko nang may makita akong tuldok sa pinakaunahan ng pahina.

'W-what the heck? Eto na ba talaga ang ending nun!?'

Napabuntong hininga ako. Kailangan kong kumalma. Sa totoo lang ay lahat ng librong binabasa ko ay hindi ko rin tinatapos talagang basahin.

Hindi ko rin maintindihan yung sarili ko. Nung oras kasing nakatapos ako ng libro, mas iniyakan ko pang natapos ito kesa sa mga sad scenes niya.

It lasted for two months as if i am grieving, para akong in despair that time by a boyfriend who broke up with me. Ganon yung pakiramdam. Since then, wala na rin akong gana na makatapos ng libro.

Iba naman ang librong ito, i became so invested with this book. I'm passionate of taking all the risk just so i could finish this story. Every chapter leads to something unexpected and heart-pounding moments, having no clue that the book wasn't finished yet.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Nailapag ko ng walang pagalinlangan ang libro. Bigla nalang akong sinikipan ng dibdib. It stings a lot. Kahit na isinettle ko na ang isip ko na ayos lang dahil magiging isa lang ito sa mga DNF books ko. Mukhang hindi na acknowledge ng puso ko yung pangpapalubag loob na ginawa ko sa isip ko.

I can't breathe. Hinihintay ko si daddy na lumabas ng CR dahil sila lang palagi ang nakakapagpakalma sa akin tuwing naghahyperventilate rin ako.

"D-dadd--daddy" Sinubukan ko siyang tawagin sa pagitan ng paghabol ko sa hininga ko.

Book, Blossom And Fate: The Book of Destinesia [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon