Prologue

28 2 0
                                    

Prologue


Natutuwa ako sa mga batang masayang nakikinig sa mga fairy tale story, na kapag sasabihin mo palang na "Once upon a time", ready na ready sila para makinig.


Lalo na itong pamangkin kong si Chloe, gustong gusto ang mga fairy tale. Paano kung sabihin ko sa kanya na "Fairy tales don't exist"? Sobrang lungkot siguro nito noh?


"Tita, nagkatrue-love ka na ba? Nakita mo na si tito Prince Charming mo?" eto na naman siya sa tanong niya na 'to. Eh paano kung sabihin kong hindi nag-eexist ang true love? Syempre, mahal ko ang pamangkin ko kaya hindi ko ito papalungkutin.


"Hindi pa. Pero dadating tayo dyan. Makikita din natin yung true love ko at yung Prince Charming ko." Pagsakay ko sa tanong niya ng nakangiti habang patuloy na binabasa ang story ni Cinderella at mamaya, si Sleeping Beauty naman. Hay nako, mga bata nga naman!


Dati nung bata pa ako, naalala ko na kinekwnetuhan ako ni mommy ng mga story na ganito tuwing matutulog ako. Ang taas ng pangarap ko nun na sinasabi ko pa sa mommy ko na "Mommy, someday, magkakaroon na ako ng Prince Charming ko at ang magiging prinsepe ko habang buhay!" tapos lagi niyang hinihimas yung buhok ko at sinasabi "Yes, my princess, someday you will have your Prince and you will live happily ever after. Mommy and Daddy will be the Queen and King of the palace and your kuya Aries and ate Patricia will be the other prince and princess of the palace that you and your Prince will live." Tuwang tuwa ako nun sa mga sinasabi ni mommy.


Pero nung nawala na sila ni daddy, ang palasyo naming punong-puno ng kulay ay parang naging black and white nalang. Sobrang lungkot. Sobrang sakit para sa amin na mawala ang Hari at Reyna ng aming palasyo.


Nung lumaki na ako, akala ko nakita ko na yung prince charming ko, yung magiging prinsipe ko habang buhay pero nagkamali ako.


Napatigil ako sa pag-re-reminisce ng kalabitin ako ng pamangkin ko dahil napatigil ako sa pagkwekwento ng story ni Cinderella.


"Tita, magkwento ka naman ng ibang fairy tale!" pamimilit niya.


"Sige." Natuwa siya ng pumayag ako na magkwento.


Isinara ko ang libro na hawak ko at iniayos ko siya sa pagkakahiga at nagkwento.


"Once, there was a man..."

Once there was a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon