Jasmine's pic ----->
"Owh Gadh! Jasmine! Are you alright? What the hell did you do?! Ano ka bang bata ka! Wala bang masakit sayo?" pag-aalalang tanong ni ate Patty.
"Yes ate. I'm fine."
"We're not!" sabat nung dalawa na hawak-hawak ang parehong noo.
Nandito kami ngayon sa hospital. Actually, wala namang galos, sugat, pasa o na-injured sa amin, kinailangan lang talagang ma-check kami sa hospital for assurance. At may mga pulis dito para tanungin kami sa mga nangyari.Nabunggo kami ng isang drunk driver. Buti nalang at napa-preno ako at hindi masyadong malakas ang impact ng banggaan namin. I'm driving safely while that guy bumped my car!
My car! My precious yellow car! My Timothy! Puro gasgas at bumps. TT_TT
He took the responsibility for not driving well. At yung mga pulis naman, pinagsususpeksyahan pa ako dahil nga daw naka-inom din ako.
Pero dahil maraming nakakita sa nangyaring aksidente na ang may kasalanan naman daw talaga ay yung bumangga sa amin, hindi na kami pinapunta pa sa prisinto.
Pinapirma lang kami ng something chu-chu.
Kasalanan talaga nung lalaking yun!
"Sister, look at me, may nasira ba sa aking body? Kailangan na ba akong ipa-retoke? Gaga kasi yang Jasmine na yan eh! Ow my gosh! My face!" sabi ni gagang Sam habang nakatingin sa salamin niya."Okay ka na ba? You know Jaja, buti nalang at walang masamang nangyari sa atin. Com'on. Just forget him without hurting yourself." Jackie hugged me. "Kung gusto mong kalimutan siya, wag mo nalang kaming idamay. Masisira ang beauty namin e." Akala ko pa naman, sincere na siya sa sinabi niya. Kurutin ko nga. "Aray naman 'teh!"
"Bakit naman kasi nagpumilit ka pang mag-drive? Tingnan mo ang nangyari. Patay tayo kay kuya kapag nalaman niya 'to."
Ow Gahd. I forgot about that. Si kuya ay parang hulk slash machine-gun slash fire-breathing-dragon kapag pinapagalitan kami.
Bumaba lahat ng dugo ko. Waaa! I will die, soon.
"Ate, wag mong sasabihin kay kuya Aries."
"Talagang hindi! Pati ako mapapahamak kung sasabihin ko. Basta, ako na ang bahala." I can breathe normally!
Always kasi sa mga ginagawa kong kagagahan, si ate ang nagtatago kay kuya. Ayaw rin naman kasi naming makitang magtransform yun e.
Nakakatakot magalit si kuya pero kapag nakita mo naman siyang pinagagalitan yung iba, matatawa ka na lang, it is somehow cute and funny kapag nagagalit siya.
After ng interrogation process ng mga pulis, hinatid na kami pauwi ni ate Patty.
"Bye ate Patty!" paalam ng dalawa habang nag-wave ng kamay. Sa condo ko muna sila magpapalipas ng gabi. Kailangan kong bumawi sa kanila. Pina-una ko muna silang pumasok dahil pina-stay muna ako sandali ni ate.
"Jasmine Louise!" yayks! Monster mode. Kung kanina ay nakakapagpigil si ate na magalit sa akin, eto na ang time niya parang maging isang monster.
"Yes ate?" I said with my sweetest smile with matching beautiful eyes.
Bumaba siya sa kotse niya at nilapitan ako at kinurot sa tagiliran. Napa-aray naman ako dun.
"Sino ang matinong babae ang magpapakalasing at tatawagan ako na nasa hospital at may mga pulis na nandoon?!" she's getting scary!
"Naging masama ba akong kapatid sayo?! Hindi naman diba?! Sa dami ng mga kalokohan mong ginagawa, hindi naman ako nagkulang para paalalahanan ka na maging maingat at maging matino! Nagkulang ba ako sayo ng paalala?! Hindi naman! How can you do this to me?! To your own sister!" OA ka na ate. The best drama awards goes to.... *drum roll* Patrice Vienne Garcia!
BINABASA MO ANG
Once there was a Man
Ficção AdolescenteIt's easy to imagine that you are living in a world with no hurt. But this is the reality, masasaktan at masasaktan ka pa din kahit na taguan mo pa siya. Once there was a man na minahal mo, iniyakan mo, binigyan mo ng halaga at sinanktan ka. Once th...