"Ate. Ate." pagtatawag sa akin ng isang batang lalaki na may dala-dalang isang white rose na may note.
Kinuha ko iyon sa bata at nginitian siya. Umalis na siya pagkakuha ko ng bulaklak. Inamoy ko ang rosas at binasa ang nakalagay sa note.
"Tingin ka sa kalangitan." pagbasa ko sa note. Alam na alam ko kung kanino galing ito. Hindi mapagkaka-ila sa penmanship niya.
Napangiti ako at sinunod ang nakalagay sa note na hawak ko. Madilim na pero maliwanag ang kalangitan at maliwanag pa din ang kapaligiran dito sa park dahil sa liwanag ng buwan.
Iniisip ko kung ano na namang pumasok sa isip nitong si Angelo.
Ang ganda ng kalangitan, maraming bituin at ang liwanag ng buwan. Napahinga ako ng malalim dahil sa ganda nito.Di nagtagal, nangawit na ang batok ko sa pagtingin. Ibinalik ko ito sa normal na posisyon at doon ko natagpuan sa tabi ko ang isang lalaking nagbibigay ngiti sa akin.
"Ano na namang trip mo?" sabi ko sa kanya na may ngiti sa labi.
"Ang ganda ng kalangitan nu? Kasing ganda mo." Muli ay napangiti ako.
"Bakit naisipan mong gawin yung ganito? At bigyan ako ng ganito?" iniharap ko sa kanya yung white rose.
"Masama bang maging sweet ngayon? Kahit ngayon lang?"
"Hindi naman. Nagtataka lang ako sa mga kinikilos mo this past few days. Lagi kang nagiging busy tapos kapag kakausapin kita, lagi kang walang gana. Kaya nga nagpunta akong mag-isa dito sa park para makapag-isip."
"Makapag-isip ng ano?" tanong niya sa akin.
"Kung mahal mo pa ba ako? Kung nababawasan ba yung pagmamahal mo sa akin? Kung okay pa ba ako bilang girlfriend mo? Kung kaya mo pang tiisin yung ugali kong ganito, childish, selosa, iyakin, kung anu-ano pa. Yung mga ganung bagay."
"Pagod lang ako nung mga oras na yon."
Sa sinabi niya sa salitang "pagod" napa-isip ako kung anong klaseng pagod, kung pagod mula sa trabaho niya o pagod na sa pagmamahal sa akin. Bigla akong kinabahan.
"Pagod ka? Saan?" malungkot kong pagtatanong. Napayuko ako dahil baka nga napapagod na siyang mahalin ako.
"Dito."
May mga unti-unting ilaw na lumiliwanag sa mga punong nakapaligid sa amin. Narinig ko namang may musikang tumutugtog sa paligid.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero may mga luha na sa mga mata ko na gustong lumabas.
"Kaya nga pumunta ako dito, dahil alam kong dito lang kita makikita. Kaya nga nandito ako ngayon para bumawi sayo." Hinawakan niya yung kaliwang kamay ko at humarap siya sa akin at tiningnan ako sa mga mata.
"Sorry sa mga oras na hindi kita maasikaso, hindi makita, hindi maka-usap. Gusto ko kasi maging perfect yung gabing ito."
Muli, may mga tinig na papalapit sa amin na umaawit.
"Lumiere, darling. Lumiere over me..." alam ko itong kinakanta nila. Alam na alam ko dahil ito ang paborito naming kanta ni Angelo. Ang Tenerife Sea ni Ed Sheeran. Paulit-ulit lang ang mga di ko kilalang taong nakapaligid sa amin na kumakanta.
"Diba ang meaning ng french word na lumiere ay light? You light up my world when you came into my life, Jas. Simula noon, hindi ko na alam kung magdilim pa ulit ang mundong ginagawalawan ko."
"Lumiere, darling. Lumiere over me..." patuloy pa din ang mga taong nakapaligid sa amin.
Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko kay Angelo dahil hindi ko na napigilan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko dahil sa sayang ibinibigay sa akin ngayon ng lalaking kaharap ko.
BINABASA MO ANG
Once there was a Man
Fiksi RemajaIt's easy to imagine that you are living in a world with no hurt. But this is the reality, masasaktan at masasaktan ka pa din kahit na taguan mo pa siya. Once there was a man na minahal mo, iniyakan mo, binigyan mo ng halaga at sinanktan ka. Once th...