Chapter 1

26 3 0
                                    

Hey guys! Actually this is not my first story. Binura ko siya dahil wala na akong maisip na mangyayari. Yung ibang names doon ay inilagay ko yung iba dito.
Hope to like and support this story. Thank you! Enjoy reading.

----------

"Happy Valentine's Day Babe!"

"Magbre-break din kayo!" sabay bagsak ng kurtina sa bintana ng kwarto ko.

Kaiingay ng mga kapit-bahay ko, puro batian ng batian, may mga bulaklak pa, bubulukin lang naman nila yun.

"Ang bitter-bitter mo 'teh, alam mo yun?" sabat ni Sam.

" I'm just stating a fact." sabi ko habang umupo sa couch at naghahanap ng magandang channel. Puro naman lovestory! Wala bang patayan?

"Fact ba yung kino-curse mo sila? Malay mo sila ang magpapatunay ng forever."

"WALANG FOREVER!"

"Ang bitter!" sigaw nila ni Jackie sa akin.

Bitter? Ako bitter?! Ow com'on!
Naririnig ko sa iba na ang pagiging bitter is better, kaya okay naman yun diba?

I am Jasmine Louise, ang babaeng sawi sa pag-ibig. Bakit? Hindi ko din alam. Ang alam ko lang nagmahal lang ako, tapos.

Isang taong mahigit  na ang nakakalipas simula ng iwan ako ni Angelo, ang lalaking minahal ko ng mahigit dalawang taon, pero ang dalawang taon na iyon ay naglaho sa isang gabi lamang.

Akala ko nga siya na yung prince charming ko e. Hindi naman pala. May prince charming bang nang-iiwan ng walang dahilan? Wala!
Paano kung nakipag-break sayo yung taong mahal mo ng hindi mo alam ang dahilan kung bakit, ano ang mararamdaman mo? Ang sakit diba? Yan ang nangyari sa akin.

Pinipilit kong magpakatatag noon pero hindi ko kinakaya, natatalo pa din ako ng mga ala-ala namin ni Angelo. Sa mga bagay na pagtutuunan ko ng pansin, siya lagi ang nakikita ko, ewan ko ba at parang nabaliw na ako. Uulitin ko, noon yon. Naka-move on na ako. Pero hindi pa rin maaalis na ganito na ako.

Kaya sabihin niyo nga sa akin kung mali ang maging bitter? Nagmahal ako tapos iiwan ako?! Wala man lang acceptable reason na ibinigay sa akin!

Buti pa itong mga kaibigan ko, masaya sa mga buhay nila, paano, may mga love-life. Pero na-touched naman ako kasi kahit na valentines na Valentine's Day e napili pa rin nila akong samahan sa condo ko.

Pero bakit parang naging kulang ako? Sabi nga, makuntento ka sa mga bagay na meron ka. Kaya na-realize ko ngayon-ngayon lang na maging happy ako kasi nandito ang mga kaibigan ko sa tabi ko.

"Wala kang planong mag move-on 'teh?" tanong sa akin ni Sam habang ngumunguya ng cheese balls.

Binato ni Jackie si Sam gamit ang kinakaing cheese balls. "Ano ka ba bakla, hayaan mo muna si Jas, 'wag mong i-rush na mag move-on."

"Nagtatanong lang ho!" pasagot na sabi ni Sam kay Jackie.

"Pero kung gusto mo lang naman, we'll help you move-on, tara sa bar! May ipapakilala ako sayo." 'Wag daw i-rush ha.

"Oo nga, mag bar tayo, para mahugasan ng alak yang ka-bitteran mo!" singit ni baklang Sam habang naglalagay ng lipstick na pulang-pula.

"Ilang ulit ko na bang sasabihin sa inyo na tapos na ako sa stage na yan? Naka-move on na ako, okay? Kaya wag kayong OA!" sabi ko pero hindi pa din sila naniniwala. Mga kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to?

(Bar)

"Sean, this is Jasmine, my dearest best friend and Jas, this is Sean." Pagpapakilala ni Jackie sa amin.

Once there was a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon