Jasmine with Jackie and Sam's pic ----->
---------
"Magandang tanghali po ma'am Louise!" pagbati sa akin ni manang Maria habang nag-didilig ng halaman sa garden, siya ang kasambahay namin dito sa bahay talaga namin.
"Good afternoon din po manang." Nakangiti kong pagbati.
Mga 2-4 times in a year lang kaming nagkakasamang magkakapatid. Pinipilit ni kuya Aries na umuwi dito sa Pilipinas. Nasa Singapore ang business niyang restaurant at doon siya nagka-pamilya.
Si ate Patty naman ay dito sa Pilipinas nagtra-trabaho bilang isang producer sa film industry. Binibiro ko nga siya na gawin akong artista at ang sinabi niya sa akin ay 'kung ikaw lang ang magiging artista sa pelikula ko, mabuti pang mag-back-out ako'. Ayoko naman talagang mag-artista nu.
Since nung nag-college ako, naging independent na ako. Nag-dorm ako at nakihalubilo sa other girls kaya naging girly na yung ayos ko nung college. Since nung bata kasi ako at nung highschool, boyish yung ayos ko. Always ako sa lalaki nakahalubilo, pati sila Jackie at Sam.
Pagka-graduate ko nung college, niregaluhan ako ni kuya ng condo. Yung condo ko ngayon. Yes, libre sa gastos!
After din ng college, nagtrabaho ako sa isang company kasama si Jackie at doon niya natagpuan ang boyfriend niya ngayong si Dino. Nang makaipon na kami, nagpatayo kami ng sarili naming maliit na company for the 5 of us, si Jackie, Dino, yung cousin ni Dino na si Mico at Kris at ako. Interior designer kami ni Jackie at ni Dino while yung dalawa, contractors and architects.
Pagpasok ko sa loob ng bahay, naka-amoy na ako ng mabangong amoy na alam ko ay si kuya Aries ang nagluluto.
"Hmmm, nandito na pala yung paborito kong chef e!" sabi ko ng malakas habang papuntang kusina dahil alam kong si kuya yun.
"May magnet talaga yang ilong mo nu?" -kuya
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng napagkahigpit kahit na nagluluto siya at naka-apron.
"Syempre ako lang naman ang nagmamalasakit sa luto mo-- Aray!" bigla niya akong pinitik sa noo.
"Huwag mo ngang pakinggan yan kuya, ako ang no.1 fan mo sa pagluluto nu!" singit ni ate Patty na may dala-dalang desserts! Yum!
"Hindi mo kasama si ate Eunice at si Chloe?" napansin ko kasing walang maingay na batang cute na parang marshmallow ang pisngi eh.
"Nakikita mo ba sila dito?" pambabara ni kuya. Kahit may asawa't anak na, mahilig pa din sa pambabara. Inikutan ko nalang siya ng mata at nakita ko naman siyang ngumisi.
Habang kumakain kami, kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang naitanong ni kuya yung about kay Angelo. Hindi alam ni kuya na nag-break na kami dahil ngayon lang kami nagkasama-sama, pero si ate Patty, alam.
Nasamid ako sa kinakain kong choco moose na ginawa ni ate Patty ng sabihin ni kuya ang ikinagulat namin ni ate.
"Ah kaya ka pala nagpakalasing kagabi sa bar dahil kay Angelo. Kaya pala kayo nabangga at walang balak sabihin sa akin ni Patrice ang kalokohan mo?" nanlalaki ang mga mata namin ni ate Patty. Paanong nalaman ni kuya yun?
"P-paano mo kuya n-nalaman yun? Nagpunta ka sa bar?!" pagtatanong ko. Ow em! Don't tell me na maghu-hulk mode na siya.
"Dumating ako dito nung makalawa pa at sa hotel ako nag-stay. At ano akala niyo sa akin, hindi marunong mag-bar?" tumayo siya. "Tinawagan ako ng kaibigan ko na nabangga daw siya at nakabangga at nandoon sa hospital. Pinuntahan ko siya hospital at nakita ko kayong apat nila Patrice. Hindi na ako nagpakita dahil hindi ko alam kung ano ang magandang masasabi ko sa inyo!"
BINABASA MO ANG
Once there was a Man
ספרות נוערIt's easy to imagine that you are living in a world with no hurt. But this is the reality, masasaktan at masasaktan ka pa din kahit na taguan mo pa siya. Once there was a man na minahal mo, iniyakan mo, binigyan mo ng halaga at sinanktan ka. Once th...