Jasmine's POV
"Alex, may girlfriend ka na ba?"
"Wala."
"Talaga? Good to know!" bat excited 'tong Jackie na 'to?
"Saya mo ha?" sarcastic na pagkakasabi ni Dino. Selos.
"Honeybubu, wag kang magselos," huminto siya sa pagsasalita at bumulong kay Dino. Ang weird ng tawagan nila noh?
Tumingin si Dino sa akin at napa-"aah" tapos ngumiti siya ng nakakaloko. Alam ko na ang sinabi ni Jackie sa kanya kaya hinampas ko siya ng bag ko.
"Kayong magjowa! Kung anu-ano na namang kalokohan ang iniisip niyo! Pwede ba? Tigilan niyo ako."
"Anong masama don, friend? Single siya, single ka. What if magka-develop-an kayo dahil sa iisang bubong lang kayo nakatira, hindi malayo yun. Ihhhh, so excited for the both of you!" kilig na kilig na pagkakasabi niya.
"Hindi nga malayo yun." Pang-eepal naman nitong Alex na 'to. Like duh? Hindi ako papatol sa isang sindikato, kung sindikato man siya talaga.
"Tingnan mo, agree sa akin si Alex. My friend, hindi mo mapipigilan ang takbo ng tadhana niyo."
"Hindi mo din mapipigilan ang pagdanak ng dugo mo na aagos sa lugar na 'to!"
"Sadista!"
*ring ring*
Nag-ring ang phone ni Alex kaya nag-excuse siya at lumayo sa amin.
"Sino kaya yon?" naging chismosa na naman si Jackie.
"Malay ko." Pagtataray ko.
"Baka may nililigawan siya, paano ka na-- Aray friend!" kinurot ko nga.
"Wala akong pake. Tumigil ka na nga. Sumasakit ulo ko sayo e." Kinuha ko ang bag ko at tumayo.
"Walk out ka na agad teh?"
"Magpapaload lang ako sa tindahan sa labas, tatawagan ko nga pala si kuya."
Dalawa ang labasan dito sa garden, yung isa dadaan ka sa loob ng shop at yung isa naman ay sa likod kung saan, dadaan ka sa konting mga lagayan ng paso ni Sam tapos kalsada na.
Sa likod na ako dumaan dahil kapag sa loob ako ng shop dumaan e magalit ang bakla dahil na-interrupt ang kanilang pag-uusap ng kausap niya.
"Paload nga." Sabi ko sa tindera pero hindi ako pinapansin dahil may kausap sa cellphone niya at kinikilig sa kausap.
"Ate, paload." Pag-uulit ko at tiningnan lang ako at tuloy pa din sa ginagawa niya.
"Ate paload kako, wala ka bang naririnig?" nabwibwisit na talaga ako dito sa tinderang 'to.
"Hi miss, pwedeng paload?" biglang singit ni Alex sa tabi ko.
Tiningnan ng tindera si Alex at parang nagkaroon ng mga diamante sa mata itong si ate ng nakita si Alex. Ibinigay naman niya agad yung sulatan ng load kay Alex with matching paghawi niya sa buhok niya. Ang landi lang.
"O." Pag-abot ni Alex sa akin ng papel.
Tiningnan ko si Alex ng may pagtataka.
"Magpapaload ka diba?" tanong niya.
"Oo, eh bakit binigay mo sakin. Diba dapat ikaw?"
Inilapit niya yung mukha niya sa tenga ko.
BINABASA MO ANG
Once there was a Man
Teen FictionIt's easy to imagine that you are living in a world with no hurt. But this is the reality, masasaktan at masasaktan ka pa din kahit na taguan mo pa siya. Once there was a man na minahal mo, iniyakan mo, binigyan mo ng halaga at sinanktan ka. Once th...