Chapter 5

11 1 0
                                    

Hey Guys! What's up? Sorry for the slow update.

Sorry naging busy lang this past few weeks.

Hope to enjoy this another chapter.

__________

Sam's POV

Hi mga Ateng!

Sam here!

Papunta na dito si Jasmine at si Jackie sa aking shop at kailangan ko ng maghanda ng pagkain, Timmy Jones (timawa) kasi yung mga yun e.

"Danica!" tawag ko sa assistant ko. Diba susyal, pa-asi-assistant nalang ako!

"Yes sir?" pagsilip niya sa pintuan ng office ko. Sabi ko ng "ma'am" ang itawag sa akin, sir pa din ng sir 'tong impaktitang 'to!

"Pakilagay na yung hinanda kong miryenda sa garden." Utos ko sa kanya.

"Okay sir." At umalis na ang impaktita.

Feel ko yung presence ng morning ngayon. Makapag-sound trip nga.

Binuksan ko yung ipad ko at iki-no-nek sa speaker. Makapag-patugtug nga ng Set you Free ng MYMP habang nag-a-arrange ng flowers sa vase na bigay ni mother superior galing Italy.

Hindi sa pagiging bitter, favorite ko lang kasi ang mga kanta ng MYMP.

*?* We often fool ourselves

And say that it's love

Only cause when it's gone

We end up being lonely

So how are we to know

That it just isn't so

That we just have to let each other go*?*

"There are many times that we--" napatigil ang pagkanta ko dahil dumating na pala ang baklang Jackie kasama ang jowa niya.

"Ay, kaaga-aga, nag-eemote ang bakla. Break na kayo?" tanong ng gaga. Haler? Hindi kami magbre-break ni Nick, baka nga kayo ang magbreak e!

" Gaga! Para sa inyo 'to" tiningnan ko siya kung ano ang magiging reaksyon niya at nakatingin siya ng masama sa akin. Bwahahaha. "Masamang kumanta?"

"Oo. Panira ng panahon e." Umupo sa couch. "Wala pa si Jaja?"

"Nakikita mo?" pamimilospo ko habang nag-a-arrange pa din ng flowers.

"Hindi." sagot ng gaga. "Pero yung susundo sayo nakikita ko na."

"Sino?" wala akong clue sa sinasabi niyang susundo sa akin, wala naman kaming usapan ngayon ni fafa Nick e. Ayan tuloy napatingin ako sa pinto, nag-aassume na pupunta si fafa Nick.

"Si kamatayan." Binigyan ko siya ng pamatay na tingin at inihagis sa kanya yung bulok na bulaklak. Mamatay ka na Jackie! Parehong pareho kayo ni Jasmine!

Lumabas ako saglit ng office ko para tingnan yung ilang bulaklak sa harap ng shop at pinapunta ko muna sila Jackie at Dino sa garden.

Habang inaamoy ko yung mga bulaklak, biglang pasok naman nitong Jasmine na ito na parang hinahabol ng sampung kabayo ang hingal.

"Bakit namumutla ka bakla?" tanong ko sa kanya. Nilagok ba niya yung isang boteng suka?

Tumingin siya sa akin na parang nagdadalawang-isip kung magsasalita siya o hindi.

"Paano kung may kasama ka sa bahay na sindikato?" eh? Anong tanong ito? Kasamang sindikato sa bahay? Ano na namang kinain ng bruhang 'to at ganito mag-isip ngayon?

Once there was a ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon