Chapter 7

3 1 0
                                    

                                ZEB POV

Napag isipan kong maligo sa dagat at gumamit ng jetskie. Sasabihin ko kay Lolo Teo na gusto kong mag jetskie. Pero bago 'yon pupunta muna akong kwarto ko. Naghihintay ako na bumukas ang elevator. Ilang segundo lang bago ito bumukas pero nagulat ako sa nakita ko.

That bitch and Ottilie was kissing. Anak ng!

Bakit hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Bakit hindi ko magawang umiwas sa kinatatayuan ko.

"ZEB," don lang ako natauhan nang gulat na sinabi ni Ottilie ang pangalan ko.

Hindi na ako nag dalawang isip na umalis don. Ginamit ko nalang 'yong hagdan papuntang kwarto ko. Malapit na ako sa kwarto nang may isang pamilyar na mukhang lalaki ang naghihintay doon.

And guess what? It's Ottilie. Naknampucha!

Nasa may tapat siya ng pinto nag hihintay sa'kin. Tatalikod na sana ako sa kaniya ng makita niya ako.

"ZEBEDEE," napahinto ako sa sigaw niya.

Hindi ako lumapit sa kaniya. Kaya siya na ang kusang lumapit sa'kin.

"Auhm, I don't know where to start." Saad nito habang napapakamot sa kaniyang buhok.

"No need to explain," ani ko sa kaniya at nilagpasan siya.

Hindi pa man ako nakakalayo nang hawakan niya ang palapulsuhan ko. Mabilis akong tumingin sa mga kamay niyang nakahawak sa'kin. Napatingin din siya doon sa mga kamay niya na nakahawak sa'kin. Saka lang niya ito binitawan ng tumingin ako sa kaniya.

"Ano, auhm, di ko naman kagustuhan 'yon. Nagkasabay lang kami sa elevator, nong una kinakausap niya lang ako at nang mapatingin ako sa kaniya ayon bigla nalang niya akong hinal-"

"Just like what I've said. No need to explain," putol ko sa sinabi niya. "And besides wala ka namang dapat na e-explain because first of all we're not in a relationship. Kong ano man ang nangyari sa pagitan  natin it was just a coincidence. So, Go! Do what ever you want. I don't care!" Dagdag ko pa pagkatapos iniwan siyang nag iisa don.

Nagpalit lang ako ng susuotin ko. Kahit na stress ako don sa nakita ko tuloy parin ang plano ko. A simple navy blue swimsuit that I'm wearing right now. Pagkatapos kong kunin 'yong bathrobe na manipis agad akong lumabas at hinanap si Lolo Teo. Mabuti nalang at hindi akong nahirapan hanapin ito nakita ko siya sa labas ng Mansion may kausap na matandang lalaki din. Hihintay ko munang matapos silang mag usap. At nang matapos sila si Lolo Teo na mismo ang lumapit sa'kin.

"May kailagan ka, hija?" Tanong nito sa'kin.

"Lolo gusto ko po sanang mag jetskie," hindi na ako nag alinlangan na sabihin pa 'yon.

Hindi nakatakas sa aking paningin ang kaniyang pag aalanganin. Pero pursigido na talaga ako. Gusto kong mag jetskie sa karagatan.

"Okay sge apo, ipapahanda ko lang ang jetskie na gagamitin mo. Maghintay ka nalang sa cottage." Pagkatapos 'yon sabihin ni Lolo tuluyan na niya akong iniwan.

Himbis sa may cottage ako maghintay dito ko nalang sila hinintay sa may tabing dagat. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ko natanaw ang isang jetskie na papalapit sa'kin. Dala ito nang isang lalaki na hindi ko kilala. Ngayon ko lang ito nakita dito. Hinihintay kong umalis siya sa jetskie pero hindi parin ito umalis hanggang ngayon.

Your Mystery in Ocean DeepWhere stories live. Discover now