ZEB POV
Hindi kami nakapag usap ni Ottilie noong nakaraang araw na dapat sasabihin na niya ang nakaraan ko nang biglang dumating si Lola Iska sa mga oras na 'yon. Hanggang ngayon hindi ko parin makita si Ottilie. Ang sabi daw nila Lola lumuwas ito papuntang Manila. May naiwan daw kasi siyang trabaho sa Manila na dapat tapusin.
Nandon na eh. Pagkakataon ko na 'yon malaman. Pero bakit tila tandahana ang humahandalang para malaman ko ang katutuhanan.
Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko. Nagmumuni muni ng may maalala ako.
'yong bato at ang bote.
Mabilis kong kinuha ang bato sa ilalim ng higaan ko. Tama nga si Ottilie. Dito nga niya iniwan ang bato.
Pano ang bote? Saan ko ba 'yon nailagay?
Hinanap ko lang ito nang hinanap pero hindi ko talaga makita.
Ang pagkakatanda ko dito ko lang 'yon iniwan sa kwarto ko.
Dali dali akong pumihit sa labas para hanapin si Lola Iska. Ang nakita ko lang ay si Lolo Teo.
"Lolo si Lola po?" Tanong ko kay Lolo.
"Nasa kitchen nagluluto, bakit apo?" Hindi ko na siya pinatapos at 'di na ako nag aksaya ng oras para puntahan si Lola.
Nadatnan kong nagluluto si Lola sa may kitchen. Tinutulungan pa siya ni Jasmin.
"Lola, 'yong bote po sa kwarto nakita niyo po?" Tanong ko dito, umaasa na sana nakita niya.
"Naku apo, pasensiya na at wala akong napansin na bote sa kwarto mo. Itanong mo diyan kay Jasmin baka alam niya. Siya kasi ang naglinis sa kwarto mo noong nakaraang araw." Paliwanag ni Lola Iska kaya napatingin ako kay Jasmin na busy sa paghihiwa ng karneng baboy.
Umaasa akong titingin siya sa'kin dahil sa sinabi ni Lola. Pero hindi siya lumingon. Kaya napag disisyunan kong lapitan ito.
Kaya naman pala hindi niya maririnig ang sinabi ni Lola kasi naka headset pala ito.
Kinalabit ko siya. At nang mapatingin siya sa'kin ay agad niyang kinuha sa tenga niya ang headset.
"Ikaw daw ang naglinis sa kwarto ko noong nakaraang araw, may nakita kaba don na bote?" Napaisip siya sa sinabi ko.
"Oo ako nga, pero wala naman akong nakitang bote sa loob ng kwarto mo." Parang binagsakan ako ng langit at lupa sa sinabi niya.
Pano na 'to?
"Pero sandali, 'yong bote ba na may lamang mga maliliit na bato sa loob at may ribbon 'yong takip? Napatango ako sa tanong niya.
"Nakita ko kay Angely, bago kasi ako maglinis don nakasalubong ko si Angely na may dala dalang ganoong klaseng bote. Tinanong ko nga siya kong saan siya galing ang sagot niya ay galing daw siyang rooftop. Tapos nang makita ko 'yong bote sa kaniya na hawak niya tinago niya ito sa likod niya at nagmamadaling umalis." Mahabang lintanya ni Jasmin.
"Where is Angely?" Seryoso kong tanong sa kaniya.
Kalmado lang ako pero sa totoo lang. Gusto kong sumabog sa galit.
YOU ARE READING
Your Mystery in Ocean Deep
RomanceA girl who have a cold personality. She don't talk to stranger. She didn't trust anyone but only to her self, because that was her mom told to her before her mom died. Sa kabila ng mala-angel niyang mukha ay ganon na lamang ka misteryosa sa likod...