Chapter 8

3 1 0
                                    

                               ZEB POV

Patuloy kong hinahanap ang bato sa kwarto ko pero hindi ko ito makita.

Sandali? Huling naalala ko is ibibigay sana sa'kin 'yon ni Ottilie ng bigla akong mahimatay. Tama!

Mabilis akong pumihit papuntang elevator. Pagbukas nito nakita ko ang lalaki kanina. Ang lalaking may dala ng jetskie na ginamit ko kanina. Mabilis itong ngumiti nang nakakaloko ng makita ako. Umusog siya ng kunti nang pumasok ako. Nangunot ang noo ko nang lumapit siya sa harapan ko.

"What!?" Inis Kong tanong dito.

Sheda! Anong kailangan ng lalaking 'to?

Lumapit ito sa'kin na ikinaatras ko hanggang sa mapasandal ako sa elevator.

Anak ka ng kamatis! Wala na'kong maaatrasan dito.

Lumapit pa siya ng lumapit. Hindi ako nakagalaw sa ginawa niyang pagbulong sa'kin.

Bakit ang hilig nilang mambulong sa ganitong kalapit.

"You know what Ms, I don't want people to embarrass me." Wika nito sa malambing na tuno.

Nang dahil sa lapit namin sa isa't isa alam kong naaamoy niya ako ngayon.

"Bakit ang bango mo palagi?" Naramdaman ko pa ang pagsinghot singhot niya.

Magdadahan dahan sana akong umatras palayo sa kaniya ng may narinig kami ng boses ng isang babae sa labas.

Bukas na pala ito.

"EHEM," dahan dahang tumingin 'yong lalaki sa labas ng elevator nang walang nagbago sa posisyon naming dalawa.

"Owhhh," saka lang siya lumayo sa'kin. At doon ko lang nakita kong sino ang mga tao sa labas.

Its Ottilie and Angely. Nagkatitigan 'yong dalawang lalaki.

Anak ng! Anak ng kamatis at Anak ng tokwa!

Hindi makakakitaan ng emosiyon ang dalawang ito na tila ba ang galing magtago sa nararamdaman nila. Walang may gustong bumitaw ng tingin sa kanilang dalawa.

Teka! May kailangan pala ako sa Anak ng tokwa na 'to.

Mabilis akong lumabas sa elevator at hinila si Ottilie palabas ng Mansion. Saka ko lang siya binitawan at hinarap ng masigurong wala na kami sa loob.

"Why are you with that man?" Tanong niya na ipinagtaka ko

Eh bakit siya, pangalawang beses ko na silang nakitang magkasama ng babaeng yun nag react ba ako? Wala diba?

"Hindi kami magkasama," sagot ko sa tanong niya.

"Really?" He sarcastically answered

Anak ka talaga ng tokwa.

"I don't want to explain my side. I just want to ask you something," untag ko pa na ikinatigil niya.

"What is it?" Kabado niyang tanong.

Bakit siya kakabahan? Itatanong ko lang naman kong nasaan ang bato.

"Where is the stone?" Agaran kong tanong na ikinabago ng ekspresiyon ng mukha niya.

"Under your bed," tugon niya.

Lalampasan ko na sana siya ng bigla niya akong hawakan sa balikat na ikinatigil ko

Your Mystery in Ocean DeepWhere stories live. Discover now