Chapter 4

4 1 0
                                    

                              Zeb POV

Hapon na nang magising ako. Kumakalam nadin 'yong sikmura ko. Napabangon ako dahil sa nililipad ng hangin ang kurtinang kulay abo. Lumapit ako don at nakita ang isang Veranda. Pumasok ako at bumungad sa'kin ang malamig na hangin.

Wow! Sunset! Napakaganda ng tanawin dito.

Napatingin ako sa baba. Andami paring naliligo sa dagat kahit hapon na. Di naman kasi nakakasawang tingnan yong kulay asul na dagat. Tanaw na tanaw ko dito ang kalakikan ng Islang ito. Naramdaman ko ang pagbukas ng pinto kaya agad akong napatingin don. Iniluwa ito si Lola Iska

"Apo kumain kana muna," wika nito na may dala dala pang pagkain.

Lumapit ito sa'kin at nilagay ang pagkain at juice sa may table. Pagkatapos lumapit ito sa'kin at sabay kaming napatingin sa baba.

"Alam mo Zeb, Apo. Sobrang saya ko nang mabalitaan kong darating ka. May naala kaba sa lugar na ito?" Napatingin ako sa sinabi niya. Dahil sa totoo lang wala talaga akong maalala.

Ito na siguro ang pagkakataong magtanong tanong ako.

"Lola, Can I ask?" Napabuntong hininga ako

"Ano 'yon apo?" Nakita ko sa mga mata niya ang pag aalinlangan.

Bakit ganito sila? Bakit parang may tinatago din sila saking hindi ko alam. Tama ang sabi ni Mommy. Bawal akong magtiwala kahit kanino.

Ako nalang ang maghahanap ng sagot sa sarili kong katanungan.

"Nothing," mabilis ko siyang tinalikuran at hinanap ang maleta ko para kumuha ng damit, pamalit.

Alam kong sinundan niya ako pero hindi ko nalang pinansin yun.

"Apo, alam kong masakit ang pagkawala ng mommy mo, at alam kong mahirap tanggapin iyon ngayon. Alam kong nandiyan pa yong sakit, dala dala mo parin hanggang ngayon, Alam kong traumatized ka parin. Pero wag mo sanang iisiping nag iisa ka. Nandito pa kami. Importante ka sa'min, Sadiyang may mga tanong lang talagang hindi pa namin masasagot sa ngayon" mahabang lintanya ni Lola Iska na nagpatigil sa ginagawa ko.

"Sadiyang may mga tanong lang talagang hindi pa namin masasagot sa ngayon."

"Sadiyang may mga tanong lang talagang hindi pa namin masasagot sa ngayon."

"Sadiyang may mga tanong lang talagang hindi pa namin masasagot sa ngayon."

"Sadiyang may mga tanong lang talagang hindi pa namin masasagot sa ngayon."

Your Mystery in Ocean DeepWhere stories live. Discover now