Paralyze
Pagkatapos kong mahugasan ang mga pinggan at plato ay sinunod ko naman ang mga malaking kaldero. Pati na rin ang mga kaserola. Karamihan sa hinugasan ko ay mamantika. Ramdam ko ang pawis sa aking noo, pati na rin sa aking leeg. Kaya naman tumigil muna ko sa paghuhugas at kinuha ang puting bimpo, para punasan ang sariling pawis.
Natigilan ako sa pagpupunas nang makita ang isang batang babae. Tanaw ko silang mag ina dito sa kusina ng karinderya. Lumakad ako at tumayo sa likod ng pinto.
''Mama! Gusto ko po nitong fried chicken!''
Bitterness washed over me when I remembered how much my daughter loved to eat that as well. I could almost hear her laughter echoing in my head. Yung munting bungisngis niya. Siguro katulad niya, kasing laki na rin niya ang anak ko.
Pinantayan ng ale ang kanyang anak. ''Sige, ayon lang ba? Sabihin mo kay mama ano pang gusto. Ibibili lahat ni mama... para sa'yo, anak,'' nakangiti nitong sabi.
Pinagmasdan ko sila. Naramdaman ko ang unti-unting paninikip ng dibdib ko.
There was something in my chest that felt heavy. Para bang meron nakadagan ngayon sa dibdib ko na isang napaka bigat na bagay.
Dumaan sakin ang lungkot at pangungulila. Naramdaman ko ang bigat ng aking puso at pagkawala ng sigla sa aking buhay. Sa bawat araw na lumilipas, tila't lumalim pa ang aking lungkot at pagkasabik.
Gustong-gusto ko ng makita at mayakap ulit ang anak ko.
Bumalik ako sa aking ginagawa at ipinagpatuloy ang paghuhugas.
I never wanted to bear a child—a child of a monster. I've planned to kill and abort the baby, but along the way I've slowly learned how to love my daughter. I've come to realize how much a mother could do and sacrifice for her own daughter. Para bang lahat ay kaya mong maatim gawin, para lang sa anak mo.
Anak ko si Rayen. Kahit pa hindi maganda ang naging karanasan ko sa kanyang ama ay hindi pa rin nito mababago ang totoo na... dugo at laman ko si Rayen. Sa sinapupunan ko siya nanggaling. At ako ang nagluwal sa kaniya sa mundong ito.
Hahanapin ko si Rayen. Hahanapin ko ang anak ko.
I only wear a square-neck long-sleeve black top paired with cargo pants. I tied my hair in a sleek ponytail. I learned how to put makeup on. I put enough blush on to emphasize my cheekbones and a nude lipstick to keep the focus on my eyes. I prefer a natural look that enhances my features without being too over-the-top.
Kung bibilangin ko ay siguro dalawang oras lang ang naging tulog ko.
Nang makuntento ako sa ayos ko ay pumasok na ko sa trabaho.
Alas otso pa ang oras ko, pero maaga akong nakarating. Pumasok ako sa loob ng prod, para mag set up ng account ko. Binuksan ko ang monitor ng PC ko. At nilog in ang mga account na kakailanganin ko. Katulad na lamang ng amazon call.
''Aga natin, ah?'' si Spencer, hinila niya ang kanyang upuan at umupo.
My brows furrowed when I saw a white chocolate mocha drink on my table. Hindi ko napansin nilapag niya iyon sa mesa ko.
''Para sayo yan,'' tinaas niya sakin ang kape niya. ''Ito naman ang sakin.''
''Black americano! Para gising na gising mamaya!'' agap niya pa.
Katulad ko ay nag set up na rin siya ng kanyang computer.
Tinikman ko ang bigay ni Spencer. I used to drink matcha a lot. It used to be my favorite drink. Pero ayaw ko na non. I don't want to drink and eat my favorite anymore because it reminds me of him—it reminds me of Zayd. I still remember it vividly in my mind... how much he cooks and takes care of me and my daughter. It hurts.

BINABASA MO ANG
His Painful Desire (Vasco Series 2)
Ficción GeneralRukia Muireann Sevilla has been Zayd's painful desire---his desire to have her and be with her. He had been in love with her for so long when he finally had the courage to win her heart. Rukia got married to someone else. He witnessed Rukia's husban...