75

22 6 5
                                    

Daisy has been her name since he had his ex-boyfriend, Aster. But in the end, she got to move forward to what's making her feel dejected. And it all thanks to the people that are around her, because they helped her feel the enthusiasm of life.


She believed in his lies, yet she bloomed in disguise. Oh, how good life is when your heart and intention are so pure.


Napakurap na lamang siya nang maaninag ang postura ng isang tao sa tapat ng bahay na tinutuluyan nila ng kaniyang pinsan. Malayo-layo pa siya ngunit nasisiguro niyang lalaki iyon. At habang palapit na palapit ang kaniyang hakbang ay ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso.


Hindi kaya siya 'yon? sa isip niya habang dahan-dahan na nagtataas-baba ang kaniyang mga dibdib tila hinahabol ang hininga.


Kahit kabado ay nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa ang pagitan nila ay tatlong hakbang na lamang.


"Hi," unang bati nito. "Kumusta?"


Kumurap-kurap siya. "Bakit ka nandito?" Akala niya ay umayaw na ito dahil sa isiping baka iniisip nito na hindi niya ito pagbibigyan ng pagkakataon.


Iyon naman talaga ang dapat dahil hindi siya maaaring magtiwala rito ng ganoon lamang at ng dahil lang sa nagpakita ito ng pag-aalala sa kaniya noong mga panahong nangangailangan siya ng kausap at gabay ng iba.


Bukod pa roon, sa pagkakaalam niya ay nagpapagaling ito. Iyon ay yon sa balitang nasasagap niya.


"Hinintay kita roon, April. Sa mismong tapat ng tinutuluyan mo. Pero ang sabi ng mga katabi mo, nagpalit ka na raw ng address at walang ibang nakakaalam kundi ang mga pinsan mo at ikaw lang. Hindi ko naman magawang...magtanong sa 'yo at baka hindi mo rin sabihin sa akin." Kung kaniyang tatandaan at alalahanin, ilang beses itong nataboy sa maraming dahilan. "Hindi ko alam kung pupunta ka o susundin mo 'yong sulat... Kaya kahit alam ko na ayaw sa akin ng pinsan mo, sinubukan kong magtanong para. Tamang pagbabaka sakali lang."


Tumango siya at nahihiyang ngumiti. "Kailangan na rin kasi. Para sa kapayapaan ng isip ko. Alam mo naman siguro, hindi ba? Saka para matahimik na rin buhay ng pinsan ko." Mahina siyang tumikhim. "Ikaw, kumusta ka na? Magaling ka na ba talaga? Baka mamaya kung mapaano ka naman. Balita pa naman sa akin ng kapatid mo noong sinabi niya sa akin ang tungkol sa sulat, mag-isa ka lang sa hospital."


"Ginawa ko lang 'yon para hindi ako mahirapan. Dahil sa totoo lang, April, natakot ako sa posibleng kalabasan. Kasi ang sabi nila, kapag hindi agad naagapan ay mas mataas 'yong tsansa na hindi ako maka-survive. Lalo ngayong nasa twenties na ko. At ayokong mangyari sa harapan mismo ng pamilya ko. Lalo na sa mga kapatid ko. Lalong-lalo na kay Ate." Huminga ito nang malalim. "Pero ngayon, okay na ko. Nagawa ko na rin lagpasan ang bagay na 'yon." Bahagya itong natawa. "Sa tingin ko nga, nagawa ko lang din 'yon dahil sa mga bagay na ayaw kong pagsisihan kasi hindi ko ginawa at mas pinili ko na lang maging kontento sa sitwasyon ko."


Mapakla siyang ngumiti. "Mabuti at nagkaroon ka ng lakas ng loob. Masaya ako para roon." Sana magkaroon din ako ng ganoong lakas ng loob harapin ang mga pagsubok sa buhay ko. Iyong hindi papasok sa isipan ko na sumuko na lang nang hindi sumusubok.


"Ikaw ba? Sigurado kang okay ka na?"


Napatikhim siya sa tanong na iyon. Okay na nga ba talaga siya? Ngunit mayamaya ay tumango siya, pero halata ang pagdadalawang isip sa mukha. "Nagagawa ko na rin sumaya kahit papaano...kasi may kasama na ulit ako sa buhay. Alam kong may mga tao nang handang tumabi sa akin kapag kinakailangan ko ng aalalay sa 'kin."


Napatitig ito ng minuto sa kaniya. "April," tawag niya.


Wala siya naging ibang sagot kundi isang huni.


Pumalatak ito. "Sa tingin mo... Mas magiging masaya kung kasama ako sa listahan ng mga taong gustong umalalay sa 'yo? Kung itatabi ko ang sarili ko sa 'yo, papayagan mo ba ko? Hindi mo ba ako itutulak gaya noon?"


Nagkagat labi siya at parang nagdadalawang isip na nagkibit balikat. "Hindi ko mabibigay ang eksaktong sagot para riyan sa tanong mo." Huminga siya nang malalim. "Pero kung gusto mong manatili, hindi na kita itutulak. Hahayaan kita. Iyon ay kung magiging masaya ka rin kung magiging kabilang ako sa pag-usad mo."


"Ganap na ganap na pagiging fashion designer mo," anito saka sinuksok ang isang kamay sa bulsa. "Nakita ko lang..." dagdag nito bago pa siya makasalita.


Nilagay naman niya ang kaniyang dalawang kamay sa likuran tila tinatago ang nararamdamang kaba. "Ikaw... Ngayong okay ka na, mukhang ikaw naman ang susunod. Kaya panigurado ako, magagampanan mo na ng tuluyan ang pagiging arkitekto mo. Matutupad mo na talaga ang pangarap mo." Saka bahagyang iniwas ang tingin.


"How so?"


Bahagya niyang kinagat ang kaniyang ibabang labi. "Nakita ko lang din sa socials mo."


"Paano kapag sinabi kong gusto kitang kasama tuparin ang mga iyon?"


Napatikhim siya tila hindi makasagot. Hindi rin niya alam kung anong salita ang nararapat niyang ibigay para rito. Totoong masaya siya sa kaniyang bagong yugto ng buhay. Ngunit hindi siya sigurado kung...handa siyang ibigay muli ang kaniyang sarili. Dahil gaya ng kaniyang sinabi kay Aster ay alam niyang hindi pa siya magaling mula sa mga pasakit.


Napaatras siya bigla nang mapansin ang paghakbang nito.


"I know you are not yet ready for any commitment. So I'd like to do it again."


Kumurap siya. "Do, what?"


"I know it's kinda late, but when you are ready to give yourself again to someone else, can I call you Dahlia? Can you be my Dahlia in Bloom?"

Daisy in the MeadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon