chapter 3

1.6K 123 17
                                    




Unedited...





"Hello po, tita," magalang na bati ni Mica kay Scalpel na nasa pavilion at may sinusuri sa microscope. "Pasensya na po kung ngayon lang ako nagising." Alas nuwebe na ng umaga pero walang gumising sa kanya.

"Okay lang. Alam ko namang napagod ka sa pamamasyal kahapon," sagot ni Scalpel.

"Nakakaistorbo ho ba ako?"

"Hindi naman. May tine-test lang ako. Gusto ko kasing malaman kung saan galing ang sakit ng aso namin," sagot ni Scalpel.

"Nakakahanga ka po," sabi ni Mica. "Hindi pinahalagahan ng sariling bansa ang imbensyon mo pero namayagpag ka naman at pinaniwalaan ng ibang bansa at buong mundo."

"Jackpot lang," ani Scalpel at nginitian si Mica.

"Napakaswerte ho ninyo," ani Mica. Sobrang laki ng kinita ng antidote na naimbento ni Scalpel para sa pandemyang naganap dahil pandaigdig ang bentahan pero napaka-low key ng pamilya.

"Kumain ka na ba?"

"Okay na po ako rito sa tea," ani Mica at itinaas ang dalang tasa. Naupo siya sa isang silya at pinagmasdan ang ginang.

"Hello ladies!" masiglang bati ni Eleven nang lapitan sila.

"Oh. Masaya ka ata?" puna ni Scalpel.

"Masama bang maging masaya, Ma?"

"Hindi naman."

"Tara, Mica. Pasyal tayo sa palayan kung gusto mo."

"Patapusin mo muna siya ng pagtsaa."

"Wala naman po akong sinabing now na. I can wait," sabi ni Onse at kinindatan si Mica.

"Tapusin ko 'to tapos magpalit ako."

"Okay na 'yang suot mo. Palayan lang ang galaan natin diyan sa labas," natatawang sabi ni Eleven.

"Sure ka?" medyo nailang si Mica. Pambahay kasi ang suot niyang shorts at tshirt.

"Come on, Mica. Pwede ka ngang gumala na ganyan ang suot mo sa mall."

"Pasensya na, hindi ako sanay," nahihiyang paumanhin niya.

"Kahit basahan ang suot mo, maganda ka pa rin," seryosong sagot ni Eleven kaya uminit ang magkabilang pisngi ni Mica. Kinuha niya ang tasa at uminom para itago ang kakaibang naramdaman.

"Gosh! Ang aga pa ng harutan, Onse!" saway ni Scalpel.

"What? Totoo naman po a. Maganda talaga si Mica."

"Agree," pagsang-ayon ni Scalpel at may isinulat sa papel pagkatapos tumingin sa microscope.

"Ihatid ko lang ang tasa sa loob tapos alis na tayo."

"Iwan mo na rito ang tasa, Mica. Ako na ang magdadala mamaya," sabi ni Scalpel. "Umalis na kayo ni Onse para malibang ka naman."

"Sige po."

"Tara. Mag-motor tayo ha," sabi ni Onse at nang makarating sa garahe ay ang motor na ang kinuha. "Sanay ka bang sumakay sa motor?"

"Hindi," sagot ni Mica at umangkas sa likuran ng motor.

"Hawak ka lang sa bewang ko," sabi ni Onse kaya hinawakan niya ang bewang ni Onse nang umandar ang motor.

"Teka, dahan-dahan lang," saway niya kaya natawa ang binata. Habang nasa daan, nai-enjoy ni Mica ang tanawin. Puno ng palayan ang nadadaanan habang nakikita niya ang bundok. May nakakasalubong din silang aeta na may dalang walis-tingting para ibenta sa bayan.

Kontrabidang BidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon