chapter 6

1.4K 122 14
                                    









Unedited...




Ilang buwan na ang nakalipas. Nakapag-enrol na siya at balik-eskwela na rin. Hindi na sila madalas na magkita ni Sais dahil minsan na lang ito umuuwi. Madalang na rin niyang nakikita si Lara dahil mula nang magsama sila sa Lantawan ay umiiwas na ito sa kanya. Well, good for her.

Ang dami rin niyang natutunan lalo na sa baking. Pinadalhan siya ng mommy niya ng gamit kaya mas nahasa ang pagbi-bake niya.

"Are you ready na ba?" tanong ni Scalpel.

"Yes po."

"Sure ka na hindi ka na magpahatid sa school?"

"Tita, marunong akong magmaneho kaya don't worry, I'll be careful."

Lipat bahay na rin siya na malapit sa paaralang pagmamay-ari nina Wright, ang Montemayor University.

"Dadalaw-dalawin ka na lang namin dito ni Tito Eight mo ha. Nandito naman sina Sais at Onse kaya kung may kailangan ka, makakasama mo sila. May katulong din dito. Wag kang mahiya na magtanong o humingi ng tulong, okay?"

"Okay po, Tita."

"Oh siya, alis na ako dahil pupunta pa ako ng isla," paalam ni Scalpel kaya humalik sa pisngi nito si Mica.

Inayos niya ang sarili at nagmaneho patungo sa paaralang papasukan. Kanina pa umalis ang magkapatid kaya nahuhuli lang siya.

Pagkatapos i-park ang kotse, bumaba siya at naglakad patungo sa classroom. Na-orient na siya ni Onse kahapon kaya alam na niya kung saan pupunta.

Unlike sa university sa Manila, mas malawak ang Montemayor University. Limited lang kasi sa ciudad ang lupa unlike dito an ilang hektarya.

"Hala! Siya ba si Mica Lapuz ba 'yan?" tanong ng isang estudyante.

"Oh my! Mukhang siya nga. So it's not true na namatay siya?"

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang tatlong estudyante.

"Excuse me," malumanay na sabi niya saka pekeng ngumiti. "Naririnig ko kayo."

"Ay! Idol! Pwede pa-picture?" pakiusap ng isa sabay kuha ng cellphone dahil fan na fan niya ito.

"Okay. Go!" aniya saka nag-smile tapos agad na tumalikod sabay taas ng kilay. Kung hindi lang marami ang tao, makakatikim talaga ang mga ito.

Pagdating niya sa classroom, naghanap siya ng mauupuan. Wala nang space dahil ang dami na ng mga nandito kaya sa unahan siya naupo. Nagulat pa ang mga kaklase nang makita siya pero kunwari ay wala siyang nakikita. Mabuti at dumating agad ang prof nila.

Nag-shift siya ng course. From Masscom to HRM.

May mga nakikipagkilala sa kanya pero isang tanong isang sagot siya. Isa pa, ayaw niyang halungkatin ang suicide issue niya.

"Hey, pretty lady." Napalingon siya nang makilala ang boses.

"Akala ko hindi mo na ako hahanapin!" nagtatampong sabi niya kay Onse.

"Pwede ba 'yon? Eh ikaw ang topic ng buong university," ani Onse at inakbayan ang kaibigan dahil mukhang marami ang may balak na lapitan ito.

"I hate it!" aniya na napatingala sa binata.

"I know!" natatawang sabi ni Onse sabay pingot ng ilong ng dalaga. "Tara sa tambayan, may luto na yata si Manang."

Kagaya ng Westbridge at CTU, may tambayan din sila sa loob ng paaralan na para lang sa kanila.

Nang makarating, agad siyang naupo sa sofa.

"Yung room sa dulo, sa 'yo 'yan ha. Pwede kang matulog kung gusto mo."

Kontrabidang BidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon