10

1.1K 120 15
                                    


Unedited...




"Ouch!" daing ni Mica at napahawak sa masakit na ulo. Nakapikit na hinanap ng kanyang kamay ang cellphone pero wala siyang makapa kaya napamulat siya. "Araaay! Ang sakit!" Sobrang bigat ng pakiramdam niya kaya nanatili muna siya sa kama at inisip kung ano ang nangyari. Naalala niyang nag-nightout sila kagabi nina Sophia at nalasing sya kaya pumunta siya sa CR pero biglang may sumulpot at iniuwi siya.

"Kyaah!" aniya saka napabangon sabay hawak sa mga labi. "We kissed!" aniya sabay tayo. Napatingin siya sa salamin. Nakapantulog na siya. "Hala! May nangyari ba?" tanong niya sabay tingin sa kama pero wala namang dugo kaya nakahinga siya nang maluwag. Syempre ayaw naman niyang mawala ang virginity nang wala siyang maalala. Napangiti siya at napahawak sa magkabilang pisngi para marahang sampalin para malamang hindi panaginip ang lahat. Kahit na lasing sya, alam niyang nag-kiss sila ni Onse.

Tumungo siya sa shower room at naligo para mawala ang hangover. It's Saturday kaya maiksing puting shorts at pink tshirt ang kanyang isinuot. Sinuklay niya nang maayos ang buhok at naglagay ng pabango saka masiglang lumabas.

"Good morning, manang!" bati niya sa katulong na nagluluto kasama si Lara.

"Morning, M'aam."

"Si Onse po?"

"Sa swimming pool."

"Thanks!" pasalamat niya at patakbong tumungo sa pool pero napapreno nang makitang naghuhubad si Onse ng tshirt. "Ang swerte ko talaga!" bulong niya saka iniukit ang ngiti habang naglalakad patungo kay Onse. "Morning, Onse!" masigla niyang bati.

"Hello, Mica. Tara, maligo muna tayo."

"Sige lang, nakaligo na ako e. Panoorin na lang kita rito," tanggi niya. Hindi maipagkaila ang kakisigan ni Onse. May abs ito at tila isang modelo sa magazine ang nakikita niya ngayong nakatayo sa harapan.

"Sure ka?"

"Yup."

"Okay." Nag-dive si Onse at lumangoy kaya naupo si Mica sa gilid ng pool at isinawsaw ang mga paa sa tubig. "Gosh! Nakakasira ng araw!" bulong niya nang mapansin si Sais na nagbabasa ng diyaryo sa kabilang side ng pool habang umiinom ng kape. "Kalma, Mica. Wag mong hayaang sirain ng mokong na 'yan ang magandang umaga mo!" paalala niya sa sarili at ibinalik kay Onse ang tingin. Sigurado siyang hindi nito nakalimutan ang nangyari kagabi.

"Ma'am? Kain na ho," tawag ni Lara kaya napalingon siya rito.

"Lara, ligo muna tayo," yaya ni Onse.

"Wag na. May gagawin pa ako," tanggi ni Lara at bumalik sa loob ng bahay bago pa sya mapuna at malait na naman ni Mica.

"Tara, kain na tayo," yaya ni Onse nang makitang tumayo ang kapatid at pumasok sa bahay.

"Sige," ani Mica at mabilis na kinuha ang tuwalya saka inabot kay Onse. Pasimpleng napasulyap siya sa abs nitong may tumutulo pang tubig.

"Magbibihis lang ako tapos sabay na tayong kumain, Mica."

"Sure. Wait kita sa dining room," sabi niya saka sumabay kay Onse na pumasok ng bahay. Dumiretso siya sa dining table.

"Sabay ka nang kumain, Lara," sabi ni Sais.

"Ahm, busog pa ako," sagot ni Lara at napasulyap kay Mica para hintayin ang reaksyon ng dalaga pero tahimik ito na kumakalikot sa cellphone.

"Sige na. Dapat kapag kumain, sabay tayo at bawal din ang cellphone sa hapag-kainan," seryosong sabi ni Sais kaya napasulyap si Mica sa kanya pero pinalabas niya sa kabilang tainga. Masyadong maganda ang mood niya para patulan si Sais. "Maupo ka na, Lara. Susunod si Onse."

Kontrabidang BidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon