26

1.8K 159 43
                                    











Unedited...







"Ang boring naman ng buhay ko," sabi ni Mica habang nakaupo sa balkon.

"Gaano ka-boring?" tanong ni Sais kaya napalingon siya.

"Mas lalong naging boring nang dumating ka."

"Bored ka ba? Tara, gala."

"Wow! Seryoso ka ba?" inirapan niya si Sais. "Gusto kong mapag-isa."

"Tara na. Birthday ni Joseph," yaya ni Sais.

"Kailan?"

"Ngayon."

"Oh? Ba't nandito ka?"

"Wala akong ganang pumunta."

"Bestfriend mo tapos hindi ka pupunta?"

"Mag-celebrate na lang kami sa Monday. Hindi ko gusto mga bisita niya."

Curious na napalingon si Mica rito.

"The who?"

"Jake," tipid na sagot ni Sais. "Kung gusto mong sumama, pupunta ako. Invited din sina Onse at Lara."

"Kayo lang ang invited, hindi ako."

Inabot ni Sais ang invitation card. "Ikaw rin. Nakalimutan ko lang ibigay kagabi. Busy na si Joseph kaya hindi ka nya personal na na-invite. Andiyan naman ang pangalan mo e."

"Hmm... depende sa mood ko," sabi ni Mica. "Umalis ka na nga. Wala ako sa mood na makaharap ka!" pagtataboy niya.

"Hintayin kita mamaya pero pag hindi nagbago ang isip mo, matulog na lang ako," sabi ni Sais at iniwan si Mica.

"Psh! Anong klaseng bestfriend ka?" bulong ni Mica at ininom ang tsaa saka nag-scan ng Instagram gamit ang private account niya na walang follower kahit isa. Napasilip siya sa account ni Zeon. Ang tagal nang hindi na-update ang account nito. Huling upload pa ay noong kasama ang sanggol nila ng asawa kaya napabuntonghininga siya. "Bakit ba ang tanga ng mga lalaki kapag inlove?" Napasimangot siya nang maalala ang huling pagtatalo nila ni Zeon. Gusto man niya itong makita at damayan sa nangyari pero ayaw niyang masisi. Baka kung ano na namang masamang salita ang marinig niya kaya wag na.

Napalingon siya nang may tumikhim sa likuran niya pero muling uminom ng tsaa nang malamang si Onse ito.

"Alam kong galit ka pa sa akin," mahinahong sabi ni Onse at naupo sa tabi niya. "Mica, I'm sorry."

"Okay. Kalimutan na natin ang nangyari," sabi niya.

"Thanks."

"Pwede mo na akong iwan. Gusto kong mapag-isa," pagtataboy ni Mica.

"Birthday ni Joseph-"

"Wala akong balak na sumama!" giit niya.

"Pwede mo bang tulungan si Lara sa isusuot niya?" pakiusap ni Onse.

"How much?"

"Ha?"

"How much ang bayad mo?"

"Magkano ang singil mo?" tanong ni Onse. "May pinadalang damit sina Celine pero hindi ko gusto. Hindi ko alam kung bagay ba sa kanya or what? Ako lang ata ang nag-iisip na hindi maganda ang gown. Sabi ni Lara okay naman kaya iyon ang isusuot niya. May pupunta ring makeup artist para mag-makeup sa kanya."

"Kung gusto niya eh di yun ang ipasuot mo. I'm out!" sabi ni Mica.

"Mica-"

"I hate Lara kaya for sure ibibigay ko ang pinakapangit na damit at me-make-up-an ng kapansin-pansin at nakakatawa sa party!" prangkang sabi ni Mica kaya napabuntonghininga si Sais. "Isa pa, kahit na anong makeup mo sa kanya, hindi na siya gaganda pa. She's ugly, you know!"

Kontrabidang BidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon