14

1.3K 129 18
                                    


Unedited...

"Ba't nakasimangot ka na naman?" tanong ni Onse nang lapitan siya habang nakaupo sa pavilion at nakatingin sa malayo.

"May kailangan ba akong ikatuwa?"

"Hey, mukhang may kung ano ka na namang iniisip. Wag kang mag-alala, lilipas din ang problema."

"Kung pwede nga lang," sabi niya nang maalala na naman ang ginawa ni Sais sa kanya noong isang araw. Dalawang araw na siyang umiiwas dito at kahit kay Sophia ay hindi na siya nagre-reply. Off ang cellphone niya para walang gulo.

"Ako rin naman may problema pero hindi ko na iniisip masyado."

"Taken ka na ba talaga?" tanong niya.

"Sino ang nagsabi?"

"Si Sais. Sabi niya taken ka na. May secret girlfriend ka ba?" tanong niya at napatingin kay Lara na palapit sa kanya habang bitbit ang pinagawa niyang orange juice.

"Wala," sagot ni Onse.

"Wala namang problema sa akin kung ligawan mo ako eh," sabi ni Mica at ngumiti nang matamis sa binata. "Alam mo Onse, wag kang mahiya sa akin kasi matagal na tayong magkaibigan. Kung iniisip mo na magalit sina Tita at Tito, ako na ang magpaliwanag na nagmamahalan tayo."

Napatingala si Onse kay Lara na nakatayo na sa harapan nila.

"Ito na ho ang juice, Ma'am," sabi ni Lara sabay lapag ng baso sa harapan ni Mica.

"Di ba, Negra?" tanong ni Mica.

"Ho?"

"Wala namang problema kung maging kami ni Onse, 'di ba? Bagay naman kami, 'di ba?"

Napasulyap si Lara kay Onse na napakamot sa ulo.

"Sabihin mo nga, Lara? Bagay kami o hindi?"

"Hay nako, Mica. Uminom ka na nga. Kung ano-ano pa ang iniisip mo," sabat ni Onse sabay pisil sa kanang pisngi ni Mica.

"Oho, bagay kayo," tugon ni Lara saka ngumiti. Sweet nilang tingnan, bagay nga sila na maganda at pogi. Sino ba ang tututol sa kanila eh, pareho lang naman sila anak mayaman.

"Talaga, bagay kami?" tuwang-tuwang sabi ni Mica saka isinandal ang ulo sa balikat ng katabi habang hawak ang kanang braso. "Sabi sa 'yo Onse eh. Kaya wag na nating pigilan ang sarili natin."

"May iutos pa ho ba kayo? Babalik na ako sa loob," tanong ni Lara na iniwas ang tingin kay Onse na nakatingin sa kanya.

"Pwede bang pakitimpla rin ako ng juice?" pakiusap ni Onse.

"Okay," pagpayag ni Lara at bumalik sa loob ng bahay saka kumuha ng fresh orange.

"Eh di kayo na ang bagay!" bulong niya habang naghihiwa. Paniguradong maging masama ang ugali ng maging anak nila dahil hindi rin naman mabait si Onse. Mula nang dumating si Mica, umiba na ang ugali nito. Hindi na ito ang Onse na palagi niyang kabiruan at palaging nakisalamuha sa kapwa-aeta nila. At higit sa lahat, tino-tolerate nito ang pagiging maldita ni Mica. Unlike kay Sais na ganoon pa rin ang ugali. Mabait at palagi siyang pinagtatanggol.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah."

Napalingon siya kay Sais na palapit sa kanya.

"Wala. Iniisip ko lang kung ano pa ang pwedeng lumabas sa quiz namin bukas," pagdadahilan niya.

"Wag mo nang isipin, pag-aralan mo na lang lahat para prepare ka, 'di ba?"

"Tama ka. Paano ba maging matalino kagaya mo, Sais."

Kontrabidang BidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon