15

1.2K 137 20
                                    











Unedited...








"Aw!" daing ni Mica nang di sinasadyang matulak siya ng isang fan na patakbong lumapit sa kanya para makisali sa group picture ng barkada.

"Sorry, Miss Mica," paumanhin niya na hindi alam ang gagawin.

Naikuyom ni Mica ang kamao at nagbilang ng sampu sa isip para pigilan ang sariling sumabog habang pekeng ngumiti sa magbarkada.

"Nako, mabuti na lang at hindi ka pareho sa ibang celebrity na mataray at nambubulyaw," sabi ng isang fan na kulang na lang ay sambahin si Mica.

"Oo nga. Ang bait mo pala talaga sa personal at ang ganda pa. Tama kami, siniriraan ka lang ng columnist na 'yon," segunda ng isa.

"Talaga ba?" tanong ni Mica nang makita si Onse na palapit sa kanila.

"Oo naman. At sobrang kinis mo talaga sa personal. Tao ka pa ba o anghel?" pambobola ng isa.

"Nako, binobola nyo naman ako," nakangiting sabi ni Mica at nag-smile.

"Guys, enough na ha. Pagod na si Mica," saway ni Onse. "Uwi na siya."

Nagsialis na ang mga ito kaya lumapit si Mica sa kanya.

"Hello, Onse. Salamat ha. Gosh! Akala ko hindi na ako makawala sa kanila!" inis na sabi niya kaya natawa si Onse.

"Ganoon talaga kapag sikat," ani Onse. "Uuwi ka na ba?"

"Oo. Sabay ka na ba sa akin?"

"May practice pa kami e. Mauna ka na."

"Sige, wait kita sa bahay. Uwi kang maaga ha."

"I will. See you, Mica."

Nang iwan siya ni Onse, tumungo si Mica sa parking lot saka sumakay sa kotse pero hindi umandar.

"Tol! Ano kaya ang gagawin ni Sais kapag malaman niyang matagal na siyang iniiputan sa ulo ng shuta niya?" Napatigil si Mica sa pag-start nang marinig ang boses sa labas.

"Gago! Si Sophia ang lumapit at hindi ko na problema kung boring si Sais sa kama," natatawang sagot ng lalaki. Sinilip ni Mica ang hitsura nito. May tindig, porma at mukhang marami rin ang nagkakagustong babae. Ito ang nakahalikan ni Sophia nang gabing iyon sa bar.

"Break na talaga sila?" tanong ng kasama.

"Iwan. Ayaw pa kasing iwan ni Sophia tapos sa akin naglalabas ng sama ng loob. Tama na nga! May makarinig pa sa atin!" saway nito.

Nanatili si Mica sa loob ng kotse at nang makaalis na sila, nagpalipas muna siya ng limang minuto bago nagmaneho pauwi.

Kakalagpas lang niya ng tulay nang maramdamang may kakaiba sa sasakyan niya kaya itinabi na muna niya at bumaba para tingnan.

"Ugh! Ngayon pa talaga?" inis na sabi niya saka sinilip ang flat na gulong. Wala pa naman siyang extra dahil bukas pa darating ang bagong in-order niya. Naubos na kasi ang extra niya dahil noong isang araw ay hiniram ni Onse. "Kainis!"

Kinuha niya ang cellphone para makahingi ng tulong.

"Need help?"

Napatingin siya kay Onse na tumigil sa harapan niya. "Na-flat-an ka?"

"Obvious ba?"

"Sakay na."

"At ang kotse ko?"

"Ipapakuha ko sa tauhan namin. Hayaan mo na muna 'yan para mapalitan nila ng gulong. Halika na."

Kontrabidang BidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon