21

1.4K 138 19
                                    






Unedited...






"Tumigil ka na nga," saway ni Sais nang umiyak na naman si Mica nang makita sya. Limang araw na siyang walang labas sa bahay dahil sa kalmot sa kamay.

"Kasalanan mo 'to eh!" paninisi ng dalaga.

"Okay, mali ako. Hindi ko alam kung paano makabawi sa 'yo o kung paano mo ako mapatawad. I'm really sorry, Mica. Wala na talaga akong choice ng time na iyon," mula sa pusong paumanhin ni Sais.

"Walang time!" ulit ni Mica. "Kumalat na sa lahat na may relasyon tayo. Ano? Ikaw ang nasa paaralan, may ginawa ka bang paraan para pagtakpan o maitama ang iniisip nila?"
Hindi nakaimik si Sais kaya malakas na hinampas sya ni Mica. "Ikaw! Wala kang ginawa? Hinayaan mo lang sila?"

"Hayaan mo sila kung ano ang isipin nila!" sabi ni Sais.

"Bwesit ka talaga!"

"Ano ba ang gusto mong bag?"

"Hindi mo ako madadala sa bag o sapatos, Sais! May instant boyfriend na tuloy ako! Ni hindi mo man lang ako niligawan!"

"Hayaan na lang natin sila, Mica. Mamamatay rin naman ang—"

"Paano kung magka-boyfriend ako? Sino pa ang manligaw sa akin? At paano na kami ni Onse? Ano na lang ang isipin ng tao kapag maging kami ni Onse tapos may issue na naging tayo?" nag-aalalang wika niya tapos umiyak na naman nang malakas. "I hate you!"

Nag-aalala rin si Sais kaya todo bantay siya kay Mica lalo na sa gabi. Baka kasi ma-depress na naman ito at kung ano ang maisipang gawin.

"May laro pa kami ngayong araw kaya maiwan na muna kita," paalam niya. Wala rin sina Onse at Lara dahil participant din sila ng iba't ibang laro. "Pero nandiyan naman si Manang. Kausapin mo siya kapag bored ka ha."

"Laro saan?"

"Basket. First game namin."

"Kalaban ninyo?"

"Educ," sagot ni Sais.

"Sana matalo kayo," bulong ni Mica.

"Mananalo kami." puno ng kumpyansang sabi ni Sais dahil hindi ganoon kalakas ang team na makakalaban at walang panama ang rebounder nila. Maliban sa kung may freshmen na magaling.

"Kapag manalo kayo, ipagkalat ko sa buong campus na pinilit mo lang ako at wala talaga tayong relasyon dahil si Lara talaga ang gusto mo!"

"Mica!" saway ni Sais.

"What? Iyon naman ang totoo."

"Bakit ba palaging nasama si Lara?"

"Totoo naman!"

"Guni-guni mo lang yun."

"Ah, basta!"

"Kapag matalo kami, hindi ka magsasalita at tanggapin ang sabi nilang tayo hanggang sa mawala ang issue," sabi ni Sais kaya napaisip si Mica.

"Okay, deal!" sabi ni Mica.

"Sige. I-text ko sa 'yo ang result mamaya," sabi ni Sais saka umalis na. Hapon pa naman ang laro nila kaya may time pa siyang mag-practice.

Nakipag-usap muna si Mica sa ina at nagtanong tungkol kay Zeon. Ayun, hanggang ngayon ay hinihintay pa rin daw si Arabella at madalas na tulala. Gustuhin man niyang bumalik ng Maynila, hindi na niya kaya dahil sa mga taong nandoon. Gusto niyang iwasan ang alaala ng kanyang kasikatan at nakaraan.

Nang matapos siyang kumain, nahiga muna siya at nagpahinga. Nagising siya ng alas tres pero dahil walang nagawa, nagbihis siya para tumungo sa paaralan nila. Gusto niyang manood ng basketball. Okay na rin naman ang kalmot sa kanya pero hindi lang niya alam kung ano ang mukhang ihaharap sa mga schoolmate dahil sa kahihiyan. Kinapalan niya ang makeup at nagsuot ng skinny jeans, black sleeveless, shades at sombrero pero nagmukha pa rin syang kikay dahil magaling magporma.

Kontrabidang BidaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon