7

41 7 0
                                    

❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌

7

Carly

Shit. Kanina ko pa hinahanap yung singsing pero hindi ko makita. Where the heck did I put that little piece of The Missing links shit!

Kanina ko pa sinilip ang ilalim ng kama, ang bag ko, ang cabinet, drawer, banyo, kitchen, salas, at buong condo unit na ata ang nahalughog ko, pero walang singsing na lumalabas. Chineck ko na rin ang sasakyan ko, pero wala din doon.

Ang pagkakaalam ko, inilagay ko lang iyon sa ziplock plastic bag, kaso hindi ko na maalala kung saan ko nailagay ang ziplock plastic bag na 'yon! Pero wala na. Paksyet naman oh!

"Ano? Wala na?" he was standing at the back of the sofa with a sneer on his face. Naka-cross arms pa si Missing link habang pinapanood lang akong magpakapagod kakahanap sa singsing. Bwisit na Michael na yan!

"Paano ba iyan? Masyado ka kasing burara. Wala na ang wedding ring mo. Ano na lang ang sasabihin nina Mama, papa, mommy at daddy sa iyo niyan?"

"Hinahanap ko na nga eh! Bwisit ka." I scowled at him.

"Alam mo bang hindi basta basta ang singsing na iyon? Pinagawa pa ni mommy iyon sa isang sikat na jeweler. At customized yun, Alexis. meaning, walang kapareha. Nag-iisa lang. Unique. One of a kind."

Tinignan ko siya ng masama. "Hindi ka nakakatulong, bwisit ka!" sabay binato ko siya ng throw pillow, at sapul naman siya sa mukha.

Kung makapag salita tong bugok na to kala mo siya sinusuot yung wedding ring eh!

"At kung iniisip mo na hindi ko sinusuot ang wedding ring naten, dahil yun sa status ko. You know im famous. At alam mo naman na hindi dapat malaman ng mga fans ko na married na ako."

Napatitig ako sakanya. Wow! Mind reader. Shet!

Sinisilip ko ulit sa ilalim ng sofa, baka sakaling nandito.

Pero wala talaga. Hala... Lagot na...

Naupo ako sa sahig at isinandal ang likod ko sa sofa. Tae talaga. Saan ko ba naiwala 'yong pesteng singsing na 'yon!

Naramdaman kong naupo siya sa sofa, at yumuko para bumulong sa'kin.

"Carly Alexis, you already violated my rule number 2, therefore, you need to be punished."

"Oo na! Sige na! Peste." tumayo ako at hinarap siya. "Ano bang punishment iyan, ha? Bilisan mo na at pupunta pa ako sa shop." iritable kong sabi.

Ngumiti pa siya at parang nasisiyahan sa itsura ko. Bwisit talagang lalaki 'to.

"Alisin mo na ang rules na yan." cool na cool niyang sabi.

"WHAT????!!! No. Way! And that's not even a punishment! Command yan ulul!" lumakad na ako papunta sa kwarto. Maliligo na lang ako, at ng makaalis na rito.

Hahakbang pa lang ako ng higitin niya ang kamay ko, dahilan para mapaupo ako sa lap niya.

YUUUUUUCK!!!! Ilayo niyo sa akin ang lalaking ito!!! Baka mapatay ko 'tong unggoy na 'to!!!

"Eh kung gahasain kaya kita?" mapang-akit ang tono ng boses niya.

Bigla namang nagtayuan ang mga balahibo ko. Feeling ko sobrang init na ng mukha ko.

Kahit nakaharap ako sa kawalan, nakikita ko naman siya sa peripheral vision ko. At ang lapit lapit ng mukha niya sa'kin. Feeling ko anytime sasakmalin na lang ako ng half-ape na ito.

"Ayoko ng may rules. Wala rin namang kwenta 'yon. Saka isa pa," hinawakan niya ang mga pisngi ko at hinarap ang mukha ko sakanya. Tinitigan niya ang mga mata ko. He's creeping me out!

"Mababaliwala din ang lahat ng mga iyon dahil kasal na tayo. At naniniwala akong bago ang kasal natin sa simbahan ay mahal mo na ako, Carly Alexis."

I was shocked when his lips slowly crashed to mine. H-he was kissing me. Pero hindi lang smack. H-he was m-moving!

WHAT THE FUDGE AM I GONNA DO?

He wrapped his right arm on my waist, habang ang kaliwang kamay naman niya ay nakahawak sa pisngi ko. Gusto ko siyang itulak, p-pero-parang nawala ako sa katinuan ng halikan niya ako.

I don't even know how to kiss. Dafudge!

Hindi ko na namalayan na sumasabay na rin pala ako sa mga halik niya. Nilagay ko ang mga kamay ko sa batok niya.

This is so wrong. Pero.... It's so hard to resist his kisses. He-he's a damn good kisser.

He already violated my rules!!!!

Bigla siyang tumigil kung kailan sumasabay na ako. "Masarap ba, babe?" he smile, mischievously.

Nanlaki ang mga mata ko. T-this guy is s-so unbelievable! Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko. S-shit!

Dali-dali akong tumayo mula sa lap niya at sinampal siya. Shiiiiiit! I want to puke. We kissed! Kaderder! Eew!

Papasok na ako ng kwarto when I heard him shout.

"Alexis, gusto kong alisin mo na 'yang rules na iyan ha. Kung hindi rereypin talaga kita mamayang gabi." humalakhak pa siya. Bwisit na lalaking yan.

Padabog kong isinara ang pinto.

Naligo na ako ng makalayas na. After kong maligo ay nagbihis na agad ako, I wore a white body hugging tank top, black jeans and a flatshoes. Naglagay din ako ng konting make-up.

I looked at the wallclock, it's already 10:37 in the morning. Sa labas na lang ako kakain.

Pagkalabas ko ng kwarto, nakita ko si Michael na nag-lalaro namaman ng ps3 niya, with a box of pizza sa tabi niya. Yung center table ay iniusog niya sa sulok. Ang messy nanaman ng sala. Ang hirap kong nilinis tapos sa isang iglap lang ayan nanaman, dugyot nanaman.

"Alis na ako." walang gana kong sabi.

Lalabas na lang ako ng unit hindi pa rin siya sumasagot. Bago ko buksan ang pinto tinignan ko muna siya ng masama. Titig na titig lang ang loko sa screen ng t.v. Ewan ko sayo! Bahala ka jan!

Padabog kong isinara ang pinto.

Nang makalabas ng condo, pumunta agad ako sa parking area at sumakay sa sasakyan. I drove to my shop.

*****

"Goodmorning po Ma'am Carly." bati ni Mary. "Ma'am, dumating na po pala yung mga deliveries natin kanina. Okay na po. Na-arrange ko na rin sila. Pati yung mga flower pots." nakangiting sabi niya.

"Good. Thanks." I smiled at her.

Papasok na sana ako ng office ng may tumawag sa akin. Pagkalingon ko, alam ko na kung sino siya kahit na naka-disguise pa siya.

"Calum?" mahina kong sabi.

*************

He, who stole my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon