20

15 2 0
                                    

(A/N: Photo not mine. credits to the real owner<3)

Carly

"Hindi mo ba alam kung gaano ka kaswerte dahil kilala at nakakasama mo ang 5sos?"

"Grabe girl! Naiinggit ako sayo!"

"Di naman sya kagandahan, pero bakit feeling ko pinagaagawan sya ng boys naten?"

"Trueeeee ang panget naman."

"Sa totoo lang naiirita na ko sakanya ha!"

Yan lang naman ang mga hate comments na nababasa ko sa picture ko sa ig ngayon.

"Grabe ang sarap pag sasampalin ng mga bwisit na nang aaway sayo." gigil na sabi ni Sara.

"Kaya nga e, kung ako yan pinagmumura ko na yang mga yan hahahaha" sagot naman ni Liana.

"Hayaan nyo na nga yan, wala tayong mapapala jan."

"ALEXIS!!!!!!!"

isang malakas na sigaw na nagmula sa pintuan ng opisina ko. Grabe, lakas ah..

Syempre pag alexis ang tawag matik na kung sino yan.

"Oy panot anong problema?" sabi ko.

"hoy wag mo kong pinapanot jan!" sigaw nya sabay hila saken. Agad akong napatayo mula sa kinauupuan ko, talagang hinila ako e.

"Hiramin ko muna tong babaeng to." sabi niya kanila Sara at Liana.

Talagang hinila nya ako hanggang sa makapasok ako sa kotse nya.

"Oy panot ano bang gagawin mo??" pagtatanong ko.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang siya sa pag hila sakin hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.

"Sakay." sabi niya.

So hindi ko na ipipilit alamin kung saan niya ko dadalhin dahil mukhang wala naman talaga siyang balak sabihin.

Lumipas ang napakahabang paglalakbay, ngayon, nakarating kami sa isang beach, overlooking 'to.

Lumipas ang napakahabang paglalakbay, ngayon, nakarating kami sa isang beach, overlooking 'to

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(A/N: Photo not mine ulet. Hahahaha)

"At ano namang ginagawa natin dito? Ano papatayin mo ko nooo!?" sigaw ko

"Hoy baliw, ginawa mo pa talaga akong kriminal no?" sagot nya sabay isnab. Bakla!

"E ano nga kasing ginagawa natin dito?" mataray kong sabi sakanya, istorbo siya e, imbis na nagtatrabaho ako dadalhin niya ko dito. Pinalagpas ko na nga yung kiss kahapon e. Hehehehehe

Tseh!

Although, maganda yung lugar, pero nakakainis pa din tong panot na 'to!

"Alexis......... ma......" -Mikey

"Carly!!!" sigaw na nagmula sa likuran ko. Hindi natapos ni Michael ang sasabihin niya.

"Oh, Calum, bakit? Ano ba talagang meron?" naguguluhan na ko ha.

"Ahhhh eeehhh sige michael salamat sa pag dala kay Carly dito." ngingiti ngiting sabi ni Calum.

"Tch." Yung lang ang nasabi ni Panot, sabay alis na.

"ahhh Carly, kasi......." nagulat ako ng biglang lumuhod si Calum sa harap ko habang hawak hawak ang mga kamay ko. "Carly, pwede bang kitang ligawan?"


*dugdugdugdugdugvkdsozmqosocoeowppqpa*

"Ohmygosh. Calum, I dont know what to say......."

Totoo, kinikilig ako na ewan, hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko.

1. Oo, gusto ko si Cal. Matagal na.
2. Oo, mabait siya.
3. Gwapo
4. Malayong malayo sa ugali ni Missing Link/Panot/Mikey/Michael.
5. Pero kasal ako...... kay Michael

Shet! Guys im confuuuuuused!!!

Grabe Carly ligaw pa lang yan! Isang sagot lang Oo o hindi?

"B-baket, Carly,? may gumugulo ba sa isip mo?" pag tatanong ni Cal.

"K-kasi...... Ka-kasal kami ni Mikey diba...."

"Carly, Hindi mo ba alam? Nag file na ng annulment si Michael."

"Wh-whaaaat!?" so ayon, kaya ba ako dinala ni Panot dito para sabihin na maghihiwalay na kame? Tapos kasama niya si Cal para makapagusap kami.

Wow.
Just. Wow, Michael Gordon Clifford. I cant believe you could actually do this.

Parang may kumirot ng bahagya sa dibdib ko sa narinig ko.

Talagang desidido sya na hiwalayan ako.

"Yes, Calum. Pumapayag ako na ligawan mo ko."

Biglang tumayo si Calum at niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you Carly dahil binigyan mo ako ng chance para ligawan ka. Thank you talaga!" ramdam ko yung saya ni Calum habang nakayakap siya sakin.

Niyakap ko rin siya pabalik, pero, bakit lumuluha ako?

Bakit, Michael?






--------

(April 25, 2020)

He, who stole my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon