8

47 6 0
                                    

❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌

8

Carly

"Napasyal ka? Tara dito sa office." sabi ko. I opened the door, step aside, and let him in.

Naupo ako sa swivel chair ko, at naupo naman siya sa may couch.

"Kamusta?" pagtatanong niya while removing his cap and shades.

Tinignan ko siya. Geeez! Ang cute niya! Hahahahaha!

"A—ah.. Okay naman." I smile genuinely at him.

"Hindi naman ba pasaway si Mikey?"

Hindi daw pasaway? Kung alam mo lang Calum! Kung alam mo lang!

"Well, tinanong mo pa. Nakakairita nga siya eh. Ang kalat sa unit pag nandoon siya!"

Nagkaroon naman ng pagtataka sa mukha ni Calum. Hindi naman kami close, pero dahil magkaibigan sila ng asawa ko..........

Wait......

What I really mean is, dahil crush ko siya, JOKE! Crush siya ng bestfriend ko ay kakaibiganin ko na rin siya. At naging friends din naman kami noong high school. Hindi nga lang ganun ka-close. Hehehe :D

"Paanong makalat? Eh ang arte-arte nga nun sa bahay eh. Ayaw niya ng madumi." he laughs. What?

Biglang nag-salubong ang kilay ko. Anong ibig niyang sabihin? Hindi makalat? Eh sobrang dugyot nga niya sa bahay!

"Baka naman pinagtitripan ka lang nun?"

TUMPAK! Baka nga pinagtitripan lang ako ng bwisit na the missing link na 'yon!

Napatingin ako sa baba, "Bwisit na unggoy yan." I mumbled.

"Ha?"

Binalik ko ang tingin kay Calum, sabay ngiti ng malawak. "Hehehehe wala. Bakit ka nga pala napunta rito?" pag-iiba ko ng usapan.

Yari ka sa'kin mamayang panot ka!

"Bibili sana ako ng isang bouquet ng roses, baka kung kakausapin kita makakuha ako ng 50% na discount." sabay ngumisi siya.

Natawa ako sa sinabi niya. Lokong 'to, 50% discount daw.

"Sorry Mr. Hood, pero hindi porket sikat ka, gwapo at kaibigan ng asawa ko, ay makakakuha ka na ng ganoong kalaking discount."

"Hahahaha! Pero matalik na kaibigan ko naman si Mikey eh. Kaya kahit gawin mo ng 60% ang discount." at nagpa-cute pa siya.

Siraulong lalaki 'to. Kawawa naman ang pagbibigyan niya ng bulaklak, galing lang sa discount.

"Sorry, Calum. Pero hindi ko planong palugihin ang shop ko." natatawa kong sabi. Kanina 50 lang tapos ngayon 60 na? Adik.

"Haha! Binibiro lang kita Carly. Nga pala, anong kulay ng rose ang gusto ng mga babae? Pink? White? O Red?" napahawak naman siya sa chin niya.

"Hmm... Depende kasi sa taste ng babae iyan eh. May mga babaeng gusto ang pink, kasi mas feminine kung titignan, and most of the girls loves color pink. Ang iba naman white ang gusto. And mas maraming lalaki na gusto red ang ibigay sa mga babae." I smile at him. Napaisip naman aiyang bigla.

"Bakit gusto ng mga lalaki red?" pagtatanong niya.

"Simply because it symbolizes love and respect." I beamed.

He, who stole my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon