2

52 5 1
                                    

❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌❌

2

Carly

"So okay na yung dress, yung shoes okay na rin. Make-up artist, okay na. In short, okay na lahat. Ano pang kaartehan kailangan mo?" seryosong sabi niya.

Pinanliitan ko siya ng mata.

Walanghiyang lalake 'to, kaartehan? Aba syempre kasal iyon, kaya dapat lang na maganda ako.

"Baka nakakalimutan mo, ibinilin nina mommy at mama sayo na asikasuhin natin ang lahat ngayon, at kailangan maganda ako sa araw ng kasal ko."

"Kasal natin." pag-tatama niya.

I roll my eyes at him. Whatever.

Nag-simula na kaming lumakad papunta sa kung saan dalhin ng paa.

**Flashback**

"Anak, kailangan mong pakasalan si Michael. Ikaw ang magsasalba ng kumpanya ng daddy mo. I know it's hard for you to do these things, pero iyon lang ang natatanging paraan para pumayag na i-merge ni Noel ang company nila sa company ng dad mo." paliwanag ni Mommy.

Bigla akong nanlumo sa sinabi niya. Kahit siya gusto akong ipakasal doon sa lalaking iyon.

"P-pero mom, bakit ako pa? Ayoko ng ganito. A-ayokong makasal sa lalaking hindi ko naman mahal." I tried my best to stay calm. Feeling ko kasi anytime babagsak na ang luha ko.

"Anak, listen to me, naiintindihan kita. Ganiyan din ang nangyari sa akin. Ipinilit ako ng lolo mo na ikasal sa daddy mo, sa una, Oo. Hindi ko siya mahal. Pero kinalaunan, natanggap ko na rin siya at minahal. Alam kong nahihirapan ka, anak. Pero ito lang ang tanging paraan para hindi mawala ang kumpanyang minana pa ng daddy mo sa ancestors niya. Alam mo naman kung gaano niya kamahal at pinahahalagahan ang kumpanyang iyon, hindi ba? And he's only doing this para rin sa ikabubuti niyo ni Brian. Para sa future niyo, kasi sooner or later, kayo rin ang mag-mamana at mag-mamanage ng business nating ito." she gently stroke my hair.

Naiintindihan ko na. I know what my dad really wants to happen. At kung ako lang talaga ang magiging solusyon sa problemang iyon, fine.

I'll marry Michael Clifford for the sake of my dad's business.

**End of Flashback**

"Saan ba kasi tayo pupunta?" pag-tatanong ko sakanya. Lakad siya ng lakad. Ang sakit sakit na ng paa ko, naka-stilettos pa naman ako. "Tanggalin ko 'yang cap mo ng malaman ng mga tao na nandito si Michael asdfghhjkkl----!" bigla ba namang takpan ang bibig ko!

"Shut up, Alexis. Pag ako dinumog dito!" he said in a low voice and gritted teeth.

Tinanggal na rin niya ang kamay sa pagkakatakip sa bibig ko. Nag-smirk ako. Eh kung pag-tripan ko kaya ang isang 'to? Para dumugin siya ng madlang pipol at ng makauwi na ako.

Hehehehehe >:D

Ni-link ko ang kamay ko sa braso niya, at sumandal dito. Tinignan niya pa ako, at mukhang nagulat sa ginawa ko.

Sa tangkad niya, mukhang mahihirapan akong abutin ang cap niya. Hmmm...

"Problema mo? Kung maka-kapit ka para kang tuko ah?"

"Nothing. I'm just being sweet, you know."

Hinila ko siya sa lugar na matao.

At ng makakuha ng tyempo, tinanggal ko yung cap niya at sunglasses.

"OH MY GOSH! SI MICHAEL CLIFFORD NANDITO!" sigaw ko.

Nag-panic si Michael. Which made me laugh.

He, who stole my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon