[ 02 ] - Chapter Two

8 4 0
                                    

February 21, 2023

Kinagabihan, hinatid ako nina Liam dito sa aming bahay and usually kasama ko si Lance at ang kaibigan niyang si Bria. Nauna nang umuwi si Kaizer dahil sa nalaman niyang balita na may aalis isa sa mga kaibigan niya kaya sumama na siya papunta sa Airport.Hindi ko aakalain na, ang laki nang pinagbago niya simula nung si Kaizer ang pinili ko. Hindi na ako nag isip kung magsa-salita pa ba ako nang kinamusta naman ako ni Liam, ang ka-kambal ni Lance.

"Giselle, kamusta naman tayo ngayon?" Tawag niya sa pangalawang pangalan ko habang tinignan ako sa front mirror.

"Ah, mabuti naman— maayos," wika ko.

"Nagla-labas ba kayong mga kaibigan mo? I mean gala o lakad man lang," wika naman niya habang tulot tuloy siya sa pagmamaneho.

"Bihira lang, pag may time ganoon, saka busy ako ngayon, lumabas lang kami para i-enjoy yung araw," tigil ko. "Tanggal stress gano'n ba, iwas isipin," dagdag ko naman.

"E di asar na asar ka naman kay Kaizer," pag singit ni Lance at ngumisi naman ito.

"No, I mean not, hindi," agad ko naman sinabi sa kanya.

"Really? Mabait naman siya pala asar lang sa nagu gustuhan niyang babae, mahiyain nga lang," wika niya.

"Ang akala ko, ang laki ng pinagbago mo nang aasar ka na naman siguro ng mga babae, hmp, ewan ko sa 'yo,"

"Mga babae ang naaasar sa akin dahil sa ka-gwapuhan ko," lingon niya sa akin at sabay naman ako kinindatan.

"Hindi ka, ka-gwapuhan tandaan mo 'yan, yabang," wika ko habang inis na inis ako.

"E bakit nagsu sungit ka na naman?" Tanong naman niya

"Nakita na naman kasi kita," sagot ko naman dito, hindi talaga mawawala sa kanya ang ugaling niyang ito.

"Liam, pababa na nga ako," binigyan din naman ako ng ngiti ng lalaking ito.

"Ano? Makuha ka sa tingin Liam, pag tinignan kita awat na, tama na," wika ko.

"Easy," tipid niya. "Bakit ba kasi asar na asar ka sa kapatid ko, halatang naiinis ka na d'yan," wika naman ni Liam. "Ikaw, tumigil ka sa pag aasar sa mga babae, kaya wala kang napapala sa mga 'yon," dagdag niyang sinabi kay Lance. Kaya iyon, napatigil din siya sa pang aasar sa akin.

"Oh, nandito na tayo sa Rizal," saad naman ni Liam. Parang hindi ko namalayan may traffic huh? Tutal busy kami ni Lance sa pag aasar sa isa't-isa.

"Doon ka pa rin ba sa dati?" Seryosong tanong ni Lance sa akin.

"Oo, doon pa rin pero after three to five months balak ko na ayusin ang mga papeles ko, para makapag abroad na ako," sagot ko naman sa kanya.

"Itutuloy mo ba talaga?" Tanong naman ni Lance. Hindi ko na nasagot pa ang tanong niya dahil nandito na ako sa labas ng tinitirhan kong bahay.

"Ingat pag-uwi," wika ko sa kanilang dalawa bago ako bumaba ng sasakyan.

"Mahal pa rin kita," rinig kong boses ni Lance na malumanay habang sinabi niya iyon sa akin. Habang ako walang imik na hindi ko man lang siyang tinignan pagkababa ko sa sasakyan.

Hindi ko maalis sa isipan ko ang sinabi niya sa akin kanina na 'Mahal pa rin kita' hindi ko alam ang nararamdaman ko kung ganun pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya.Halos natulala ako sa labas ng may biglang bumusina.

"Oyyyy! Magpapakamatay ka ba? Alis na alam nang may dumadaan na kotse dito," inis na pagkakasabi sa akin ng driver.

Hindi ko alam kung bakit ako parati nakatitig sa kawalan. Nang bubuksan ko na ang gate nakikita kong may tao sa bahay, sino at anong pakay niya? Maya-maya pa at lumabas ito.

"Nand'yan ka na pala Myka, saka gabi na, bakit ngayon ka lang?" Tanong sa akin ng pinsan ko habang tinutulungan akong buksan ang gate.

"Pumasyal lang kami ng kaibigan ko na si Kaizer," wika ko habang pumapasok ako.

"Kaibigan? Ang alam ko ay kayo na?" Tanong naman niya habang sinasarado niya ito.

"No, I mean ang alam ko is hindi pa niya ako nililigawan," wika ko naman.

"Ikaw rin ang mahihirapan at kung ako sa iyo, tatanungin ko siya kung nililigawan na ba niya ako, 'di ba? Para hindi naman masaktan yung guy kung paaasahin mo siya," wika niya. "Ikaw ba? Ayoko lang na masaktan mo si Kaizer, gusto ka nun, mahal na mahal ka rin," dagdag niya. Habang pumapasok na kami sa bahay nagtanong naman ako kung bakit narito siya.

"Bakit ka nga pala narito?" Tanong ko.

"Magkasunuran lang tayo," tigil niya. "Dito yata tutuloy si—" pagtigil niya.

"Ngayon ba ang uwi niya? Bakit hindi ko alam?" Wika ko. "So, dito sila tutuloy," dagdag ko.

"And yes, first cousin right?" Tanong niya sa akin ng bubuksan na niya ang pinto.

"That's not my cousin, that's my sister," wika ko nang malumanay. "Sila ba ang sumundo kaya nandito ka?" Dagdag ko namang tanong sa kanya.

"Ah, Oo, sila ang sumundo kaya hindi na ako sumama," tigil niya. "Tara pasok ka na, parang ayaw mong pumasok sa sarili mong bahay," tawa niya. Sino ba naman na hindi titigil pag kinausap ka nang isang tao noh? Kaya wala akong nagawa at pumasok na lang. Habang pinababa ko ang shoulder bag ko bigla siyang may tinanong sa akin.

"So, you have a trauma right? Tell me right now" Tanong naman niya.

"Not right now at ayokong pag usapan pa," wika ko.

"Tutulungan ka namin 'wag kang mag alala, okay? Don't worry, we got you," tigil niya. "Saka nga pala, sino naghatid sa iyo dito? Don't tell me, hinatid ka ni Lance dito?" She added. Natigilan ako sa tinanong niya at baka ano pang isipin niya, pag tama ang iniisip niyang sina Lance ang naghatid sa akin pa pauwi dito.

"Bakit mo alam?" Utal kong pagkakasabi dito, "Sino nagsabi sa 'yo?" Dagdag kong tanong dito.

"Sinabi kasi ni Liam na kumakain daw kayo sa isang fast food restaurant sa SM and isasabay na raw kayo pag uwi kaso, nag text si Kaizer na kasama mo yung kambal at sumama siya sa pag hatid ng isa niyang kaibigan, tama ba? Iyon ang naalala ko nung tinawagan ako ni Liam," tigil niya. "Kaya magkasunuran lang tayo na umuwi dito," dagdag niya. Seryoso siya doon? Kaya pala parang sadya ang lahat ng iyon.

"Oyyy, ayos ka lang ba? Tulala ka na naman d'yan," wika niya.

"Pero, seryoso ka do'n?" Tanong ko naman dito.

"And yes, kailan naman ako nagbiro sa iyo pagdating sa mga kaibigan mong lalaki?" tigil niya. 

"At isa pa mag bihis ka na, maya-maya nandito na sila," dagdag naman niya. Kaya dumiretso na lang ako sa aking silid upang magbihis at magpahinga.

Kaasar, I don't want to be a two timer, hindi ko lang talaga na gustuhing makasama si Lance kanina, sadyang sumama talaga si Kaizer sa mga kaibigan niya at sina Liam pa ang naghatid sa akin. Kailan ko siya hindi makikita ang maiiwasan? At hanggang sa naalala ko pa rin ang sinabi niyang 'Mahal pa rin kita' sa isipan ko nang paulit ulit. Ano ba kasi ang ibig sabihin no'n?

What If I Love You? (Completed)Where stories live. Discover now