February 26, 2023
Hindi ko lubos na inaasahan na pinaubaya na lamang ako habang ang nararamdaman kong ito ay hindi pa nawawala. Bakit lubos kong ikinagalit ang lahat ng iyon dahil ba ayaw ko siyang mawala at siya ang gusto kong makasama? Bakit parati akong mabilis mairita pag tungkol sa aking nararamdaman? Bakit ang lahat ng ito ay hindi ko masagot ng tama nang walang kasiguraduhan?
Isang araw na rin nakalipas ng umuwi na si Mika sa kanyang tinitigilan niya ngayon, bakit ramdam kong nawalan ako ng isang kakampi ng nawala siya sa aking tabi?
"Giselle?" Tawag naman sa akin ng nakakatanda kong kapatid. "Tapatin mo ko, bumalik ka ba kay Lance nung nawalan na kayong komunikasyon ni Kaizer?" Tanong naman niya.
"Hindi ko alam Ate, hindi ko alam," sagot ko naman dito.
"Tell me, anong ba ang nararamdaman mo? May gumugulo pa ba sa isipan mo para mairita ka na naman?" Wika naman niya sa akin.
"Ito yung bakit siya nawala sa akin at kung bakit— hindi pa rin nawawala ang nararamdaman ko para sa kanya," wika ko naman.
"Pero ano ba ang totoo? Hindi ba ang tanging makakasagot diyan ay ang puso mo at ikaw?" Tigil niya "Kung ito ang pagkakataon na iyon bakit hindi mo subukan? Tutal magkaibigan pa rin naman kayo ni Lance 'di ba?" Wika naman niya.
"Sinabi niya sa akin kahapon o bago siya umalis, magiging kaibigan ko pa rin naman siya— sila, hahayaan muna nila akong mag isa at pasayahin ang sarili ko," wika ko "Alam mo ba ang tugon sa akin ni Kaizer? Hindi nila ako hawak o utos utusan o naging kaibigan dahil lang sa isang bagay, isang bagay lang ang magpapasaya sa kanila ay yung masaya ako sa ginagawa ko at–" hindi ko na itinuloy pa o tapusin.
"Myka, tama naman kasi sila, babae ka at lalaki sila, magkaiba kayo nang gusto at buhay hindi sila magde desisyon para sa 'yo, love yourself ika nga ni Kaizer nung kinausap ko siya, doon siya magiging masaya para sa iyo," wika naman niya.
Hindi ko aakalain na sinabi niya iyon sa kapatid ko sa tutuusin same vibes kami ni Kaizer, sinasakyan niya lahat ng ginagawa ko at kalokohan ko pero alam mo yung pag may mali na? Pinapatigil na niya ako, pinapalayo na ako sa bagay na 'yun.
•••
"Giselle, asan ka na naman!" Sigaw ng nakakatanda kong kapatid na tila asar na asar na naman.
"Giselle, yung laptop ko," inis niya. Ito nang aasar na naman ng kapatid at kaasar may nag doorbell pa!
Lalabas na sana ako ng banyo ng kumukuha naman ito ng inumin bago pag buksan ito ng gate. Nang tuluyan siyang lumabas ng pinto dumiretso naman ako aa kwarto ni bunso. Nang isasarado ko naman ito, narinig ko naman ang boses ni Louise.
"Wait— bakit ka narito!" Inis ko. Kaya itinago ko naman muna ang Laptop nito sa damitan para hindi ito makita. Paglabas ko
"Ba't nandyan ka?" Tanong naman sa akin ni Louise.
"Wala, wala," sagot ko naman dito "teka– bakit ka narito?" tanong ko naman.
"Binibisita ka, wala akong kasama sa bahay eii, tutal malapit lang naman ako sa inyo kaya pinuntahan kita," wika niya.
"Tutal nandito ka na rin lang, pwede bang maki sleep over dito? Para naman may makausap ako," wika ko. "Alam mo na, iwas inis sa akin ng kapatid ko," dagdag ko naman dito.
"H'wag ka kasi gumawa ng kalokohan," tigil niya "Pero... Sige mag overnight ako rito, para may bonding na rin tayo," dagdag naman nito.
"Saka—" napatigil ako sa nakikita ko. "Ate? Ano itong nakahanda rito? Aalis ka na ba?" Tanong ko naman dito.
"Ahm hindi, nagbabaka sakali lang ulit ako, overnight ka rito, movie marathon tayo mamaya, yayain mo na rin sina Yra," dagdag naman nito.
"Sure ka Ate? Hindi ka ba maiinis sa akin?" Tanong ko naman dito para sigurado.
"Hindi naman, bakit hindi– saka babae naman iyang mga iyan, hindi katulad noong isang araw—" hindi ko na pinatapos pang magsalita.
"Kasi puro lalaki? Sige, sasabihin ko na rin sina Cali at para pumunta rito," tigil ko. "Tutal, day off naman nila yata ngayon," dagdag ko.
"Yes it is! It's Sunday Myka," wika naman ni Louise.
"Ahm, okay, wala pa akong idea kung anong gagawin natin ngayon," wika ko naman dito
"Bonding with a normal day, shopping, gaming or whatever it is," wika ni Louise
"Yes tama, puro babae naman tayo," tugon naman ng nakakatanda kong kapatid "
"Sayang lang, wala ang bunso ninyo para may malikot na dalawang Del Valle," wika naman ni Louise.
"Louise, nandito ang Ate ko," inis ko naman dito.
"Tama ka naman, nakaka miss yung kulitan nilang dalawa ni Giselle," wika naman niya.
"Then nami miss ko rin naman kung paano ka namin asarin," tinaasan ko naman siya ng kilay at binigyan ko naman ito ng isang ngiti.
"Giselle, 'wag mong simulan, kanina ka pa," wika naman niya na halatang naiinis na siya.
"Boring naman kasi, wala namang magawa," tigil ko. "What If mag spin the—" at saka naman tumunog ang doorbell. Sino na naman kaya ito?
"Wait lang–" wika naman ng nakakatanda kong kapatid. "Sino 'to?" Tanong nito nang nilakasan niya ang kaniyang boses.At pag bukas naman nito ng gate, naririnig ko ang boses nito tila wala pa ring tigil sa pag iyak at na-sino ko naman ito. Wait– bakit umuwing umiiyak si bunso?
"Shhh tahan na, sa loob tayo mag usap," wika naman ng nakakatanda kong kapatid. At pagkapasok naman nilang dalawa kinausap ko naman ito habang ang nakakatanda kong kapatid ay kumukuha ng tubig.
"Mika, why are you crying? Tell me?" Tanong ko naman dito.
"Naaksidente ang isa sa mga kaibigan ko," tigil nito habang pinupunasan ang kaniyang luha.
"Hindi ko alam ang gagawin ko Ate, he was in a coma right now," nagulat ako sa kaniyang sinabi.
"Ate please, don't leave me alone in the Philippines," at nagulat naman ang nakakatanda kong kapatid sa huli niyang sinabi.
"Giselle, aalis ka ba rito sa Pilipinas?" Tanong nito halatang hindi ako makapag salita dahil nag
hahabol na naman ang aking hininga.
"Teka– bakit hindi ko alam na aalis ka rito?" tigil nito. "Myka?" Tawag naman ni Louise sa aking pangalan.
"Si Mika ang may problema Ate, h'wag mo sa akin ituon ang atensyon," diin ko rito. Niyakap naman ako nito at bumulong naman si Mika na "Please, h'wag ulit kayo magsimulang mag away."
"Don't worry, I will," tugon ko rito.
Likas sa aking kaalaman, alam ni Mika ang ugali ko at alam niya ang lahat tungkol sa akin bukod doon, alam niya rin kung saan ako sanay na kina-ugalian o kung saan ako nakasanayan. Ayokong magtampo sa akin ang kapatid ko lalo na ang bunso namin. Siya lang ang napagsasabihan ko pag wala ang Ate namin. At alam din niya ang tungkol sa aming dalawa ni Lance at sinuportahan naman ako rito.
YOU ARE READING
What If I Love You? (Completed)
Teen Fiction[ Language ] Tag-Lish This *What If I Love You* is a story between two boys and a girl who choose what she likes to a boy and she wanted to be a long time with him but certainly, she was forced to back in her best friend (Lance Buenaventura) since h...