Chapter Twenty

7 0 0
                                    

"Mabuti na ba ang pakiramdam mo ngayon?" tanong ni Martina habang nasa gilid pa rin ni Randell. Nakalabas na ito sa ospital ngunit pinayuhan naman ito ng doktor na uminom ng mga gamot sa oras upang gumaling ang kanyang nasugatan na ulo.

"Eh ikaw, kumusta? Mas mabuti na ba ang pakiramdam mo ngayon?" tanong pabalik ni Randell.

"Siguro. I guess, slight lang. Knowing na nakakulong na si Jules, sana lang hindi na siya magpiyansa para makalaya," sagot ni Martina.

"Gumawa siya ng isang malaking pagkakasala sa batas kaya sa tingin ko ay hindi na siya makakalaya," paniniguro ni Randell. Naglaan siya ng oras upang ipahinga ang kanyang ulo sa malambot na unan nang walang tulong ni Martina.

"Sinabi ko sa iyo na huwag kang lumipat nang walang gabay ko, e," reklamo niya.

"Ayos lang talaga. Hindi ako madudulas at hindi matamaan ang ulo ko sa kung saan. Ngunit—napaantok ako ng mga gamot. I think I'm gonna fall asleep later on," pag-amin ni Randell. "Ms. Martina, matulog ka na kasi alam kong masama rin ang pakiramdam mo. At alam kong may mga gawain kang dapat gawin. I'm very sorry kung hindi kita natulungan as of now," he added.

"Wala kang dapat ipag-alala, kung may oras ako at kapag gumaling ka na ay babalik ulit tayo sa paggawa ng mga gawain. Pahinga lang. Pero, hindi talaga kita kayang iwan dito sa kwarto mo," she admitted.

Napataas ang kilay ni Randell sa biglang pag-usisa. "Bakit mo sinasabi sa akin na hindi mo ako kayang iwan?"

"Nag-aalala lang ako. Noong niligtas mo ako at ngayong may sakit ka, pakiramdam ko simula ngayon, dapat na kitang maging responsibilidad dahil malaki ang utang ko sayo. Natatakot ako na baka may mangyari ulit." Napabuga ng hangin si Martina at biglang napatakip ng bibig nang mapagtanto niyang napakaraming salita ang sinasabi niya na hindi nauunawaan ni Randell.

"Inalagaan kita bilang isang kaibigan na may tunay na pag-aalala. Huwag mong isipin na gusto kita," paglilinaw niya habang nakayuko ang ulo. Nakaramdam siya ng biglaang pagkapahiya dahil hindi niya naipreno ang kanyang bibig.

"Uy, hindi ko man lang naisip na may gusto ka sa akin. Alam kong imposible 'yon at syempre, hindi ka rin pasok sa standards ko. You're not my type," paglilinaw ni Randell. But little did he know, medyo nalungkot si Martina dahil sa pagiging prangka na naman niya.

At isa pa, hindi talaga sigurado si Martina kung may nararamdaman na ba siya para kay Randell o baka naguguluhan lang siya dahil masyado itong mabait at gentleman. Wala siyang nakilalang lalaki na nang tama gaya ni Randell, kaya naman masyadong foreign para sa kanya ang bawat approach nito.

"O-okay," hindi tapat na pagsang-ayon ni Martina.

"Ms. Martina, pwede ka nang umalis," pag-uulit ni Randell.

"Pakiusap, huwag mo na akong tawagin nang ganyan," biglang sabi ni Martina.

"Kung gayon, paano kita kakausapin?"

"Tawagin mo na lang ako sa pangalan." Malawak ang ngiti sa labi ni Martina bago umalis.

Ngumisi si Randell at bumuntong-hininga.

"Nagbago na ba talaga siya? O pansamantala lang dahil iniisip niya na malaki ang utang niya sa akin noong nailigtas ko siya?" Nakatitig lang siya sa bintana.

****

"Martina, sinabi ko sa mga magulang mo ang nangyari sa iyo noong nakaraang linggo," pagpapaalam ni Nanay Remmy kay Martina habang magkasama sila sa isang silid.

"For sure, sinisisi nila ako dahil doon. Hindi mo na dapat sinabi sa kanila," napabuntong-hininga si Martina.

"Well no, hindi ka nila sinisisi. Nag-aalala sila. In fact, your mom decides to go back here and to be with you," masayang balita ni Nanay Remmy.

Kumunot ang noo ni Martina, hindi dahil sa hindi siya natutuwa sa sinabi sa kanya ni Nanay Remmy kundi dahil sa takot na makilala niya ang kanyang ina pagkatapos ng maraming taon. Hindi pa rin niya alam kung paano sisimulan ang pag-uusap para tapusin na ang kanilang hindi pagkakaunawaan.

"Siguro, hindi nila tutuparin ang pangako nila. Remember noong umalis ka sa mansyon? Hindi man lang sila nag-abalang bumalik dito, inuuna lang nila ang negosyo sa States," sigaw ni Martina habang buo sa kanyang isipan ang mga alaalang iyon. She felt so disappointed because of that.

"Pessimist ka talaga pagdating sa kanila. Siya nga pala, tinatanong ka pala nila sa akin kung kailan ka ikakasal," bulalas ni Nanay Remmy.

Napabuntong-hininga si Martina, "Kalimutan n'yo na ang tungkol sa kasal na iyon dahil ayaw sa akin ni Randell at gano'n din naman ako sa kanya."

"Pagkatapos ng lahat ng ginawa ni Randell para iligtas ka, hindi mo pa rin siya binigyan ng pagkakataong mapakita ang sarili niya at ang totoong intensyon niya?" Naging malungkot ang boses ni Nanay Remmy at parang nawawalan na siya ng pag-asa na baka sila Martina at Randell ang magkasama.

"Lola, ikaw lang ang nag-iisip na nagpapakita siya ng intensyon na ituloy ang balak n'yo na magpakasal kami. Galit na siya sa akin simula noong una kaming nagkita. At alam kong trabaho lang ang dahilan kung bakit nakikisama pa rin siya. Huwag mong kakalimutan na tinanggap lang niya ang trabahong ito dahil wala siyang choice," paglilinaw ni Martina habang pinadausdos ang mga daliri sa bawat hibla ng kanyang buhok. Gusto niyang matawa nang mapansin niyang mukhang masama pa rin ang loob ni Nanay Remmy.

"Huwag kang mag-alala kung wala akong mahanap na mapapangasawa. Ang buhay ay hindi karera at hindi lang naman umiikot sa pag-aasawa," paalala niya sa kanyang lola.

"Pero mabait si Randell, ideal man siya," napabuntong-hininga si Nanay Remmy.

"Alam ko, pero hindi talaga natin mapipilit ang dalawang tao na magmahalan. At saka, he deserves better than me." Medyo nasaktan si Martina nang isipin niya na baka makahanap si Randell ng ibang babae na magiging girlfriend nito at sa huli ay magpakasal din sa iba. Hindi niya alam kung bakit parang sinaksak nang maraming beses ang puso niya sa posibilidad na iyon.

'Oo, masyado siyang magaling. Masyadong outspoken—straightforward pero gentleman. I don't deserve a guy like him,' she uttered without a voice.

Boss, Be My Wife - Filipino Ver [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon