Chapter Nine

66 7 19
                                    

"Gusto mo ba ng kape? I'll make it for you kung gusto mo pang magtrabaho sa ganitong oras," alok ni Randell. Halatang naiinis na sa kanya si Martina dahil bigla na naman siyang sumulpot.

Bahagyang tumango si Martina. "Sinasabi ba sa iyo ni Nanay Remmy na kape lang ang hindi ko matanggihan?"

"Oo, kaya naman nagkaroon ako ng kumpiyansa na tanungin ka," nakangiting sabi ni Randell.

"Sige. It would be better, and maybe you can help me with this accounting matter since malapit na ang deadline. Maii-stress na naman ako," sabi ni Martina habang nagta-type sa kanyang keyboard.

"Teka, mahilig ka rin ba sa jazz music? Kilala mo ba si George Benson? Paborito ko kasi siya," curious na tanong ni Randell dahil kasalukuyang tumutugtog ang musika sa computer ni Martina.

"Oo, pero sa tingin ko mas maganda ang musika ni Al Jarreau," turan naman ni Martina.

"Teka, nag-collab na rin sina George at Al!" bulalas ni Randell. Lumalapit na naman ang enthusiasm niya in terms of music. Ikinatuwa naman niya ang katotohanan na si Martina ay mahilig din sa musika.

"Oo, nakikinig ako sa album nila at gusto ko ang rendition nila ng 'Summer Breeze' ". Napangiti si Martina nang lihim.

"Mabuti 'yan. Ipagtitimpla ko nga pala ikaw ng kape," saglit na pagdadahilan ni Randell.

Tumawa si Martina tpagkatapos ng paglabas ni Randell. Namangha siya sa hilig ni Randell sa musika. Hindi pa siya nakakatagpo ng ang isang lalaki na nagsasalita tungkol sa musika na nagniningning ang mga mata.

"Sigurado akong mas marami siyang alam kaysa sa music. Such an intellectual."

Ipinagkibit-balikat niya ang isiping iyon. Natatakot siya na ito ang unang hakbang para mahalin si Randell. Hinding-hindi niya hahayaang mangyari iyon dahil ayaw niyang umibig kahit kanino. Sa halip, nag-focus siya sa kanyang trabaho.

Pagkaraan ng sampung minuto, bumalik si Randell at inabot ang isang tray na may dalawang tasa ng kape. Napatigil si Martina at natuwa sa amoy nito.

"Mag-ingat, dahil mainit pa 'yan," paalala ni Randell habang inilalagay niya ang kape sa mesa ni Martina.

"Salamat," sagot ni Martina nang masulyapan niya si Randell. Masyadong consistent ang ngiti sa mukha nito at baka mahulog na siya sa karisma nito tuwing ngumingiti ito nang ganoon.

"Teka, hindi ka ba natatakot na baka sumakit ang panga mo kapag patuloy kang nakangiti na parang masunuring aso?" she commented with a blank expression.

"Hindi, pero hindi ka ba natatakot na baka maging totoong mangkukulam ka dahil consistent ka sa pagsimangot?" pabirong tanong ni Randell habang humihigop ng kape.

"Iyon ang normal kong mukha at lahat ng tao sa bahay na ito ay walang problema diyan," kumpiyansa na pag-amin ni Martina.

"Ang confident mo naman sa part na wala silang problema sa pagsimangot mo. Kamo, wala lang silang choice. Pero sa totoo lang, ang pagsimangot mo ay medyo admirable naman minsan, at masasabi kong nakasimangot ka pa rin sa tuwing ngumingiti ka," matapat na komento ni Randell. Iyon ang napapansin niya kay Martina sa tuwing susulyapan siya nito. Para nitong dinadala ang mga problema ng mundo sa pangkalahatan.

"Mukha ba akong mga antagonist na nakikita mo sa telebisyon?" tanong ni Martina. Tumigil siya sa pagtipa sa keyboard at humigop ng kape saglit. Napansin niyang hindi gumagana nang maayos ang ilang keys sa keyboard.

"Hindi na ako nanonood ng telebisyon pero sigurado akong mas maganda ka sa kanila," sagot ni Randell.

Nagtaas ng kilay si Martina. "Iyon ba ay isang papuri?"

Boss, Be My Wife - Filipino Ver [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon