Chapter Fourteen

63 6 28
                                    

Dalawang beses na kumatok si Martina sa pinto ngunit wala siyang narinig na tugon mula kay Randell. Halos sampung oras na siyang tulog. At sa pagkakaalala ni Martina, hindi nag almusal o tanghalian si Randell at oras na ng hapunan.

Nag-aalangan siyang pumasok sa loob ng kwarto ni Randell pero pinili pa rin niyang pumasok kahit walang pahintulot ng binata.

"Randell, gabi na, paano kaya kung mag-dinner ka na lang tapos makatulog ka na lang ulit?" suhestyon niya habang binubulong ang kanyang mga salita. Umiling agad siya dahil wala siyang nakuhang sagot mula rito, natutulog pa nga talaga ito .

Napabuntong-hininga si Martina. Nagpasya siyang lumapit sa tabi ng kama ni Randell at sa wakas ay nagkaroon siya ng kalayaan na tingnan siya at suriin ang bawat detalye ng mukha nito.

"Para kang maamong tupa. At napaka-cute mo rin pala" komento niya habang nilapitan at halos hawakan ang mukha nito habang natutulog. Halos malagutan siya ng hininga nang matagpuan niya itong parang anghel— payapang natutulog dahil sa wakas ay tapos na siya sa kanyang misyon. Ngunit hindi niya naisip si Randell bilang isang anghel, isa itong bampirang mapang-akit. He has these bloody red lips, white complexion and thick eyelashes, enough for everyone to fall easily for him.

"Mukhang harmless ka talaga kapag tulog ka or should I say, hindi masyadong halata na mayabang ka kapag ganito ka." She placed her hand behind her chin and she's still looking at Randell na parang si Sleeping Beauty ito.

Nang matapos niyang tingnan ang mukha ni Randell, dahan-dahan niyang tinapik ang mga braso nito para magising siya. "Hoy! Randell, gising na!" Nagtaas siya ng boses at umalingawngaw ito sa kwarto.

"Gumising ka o maubusan ka ng pagkain para sa hapunan!" sigaw niya ulit.

Paulit-ulit niyang tinapik ang mga braso ni Randell hanggang sa makaramdam siya ng biglaang tugon mula rito.

"Mamatay—" lumabas sa bibig ng binata. Walang kamalay-malay si Randell na tinulak niya si Martina at napaupo ito sa sahig.

Sa wakas ay nagising si Randell ngunit naghahabol siya ng hangin. "May mamamatay, nanaginip ako nang masama..."

"Huh? Nasisiraan ka na ba ng bait?" reklamo ni Martina at muli siyang nagalit nang maramdaman ang pananakit ng likod at hita niya dahil sa sobrang lakas ng pagtulak ni Randell sa kanya.

"Ms. Martina? Anong ginagawa mo rito?" natatarantang tanong ni Randell habang pilit na nanlalaki ang mga mata. "I'm really sorry, Binangungot yata ako tapos hindi ko naman namalayan na nandito ka pala dahil tulog ako. Totoo ang mga sinasabi ko," paghingi niya ng paumanhin nang sa wakas ay napagtanto niya ang kanyang pagkakamali.

"So, you are implying na mukha akong multo sayo?" tanong ni Martina habang sinusubukang tumayo. "Sa tingin ko kailangan kong magpatingin sa isang orthopedic surgeon dahil sa ginawa mo sa akin kanina," naiinis niyang dagdag .

"Sobra ka naman, hindi ka naman nahulog mula sa ikatlong palapag sa lupa." Ngumisi si Randell habang iniunat ang mga braso para maabot ito ni Martina at maingat na tumayo.

"Talagang hindi ka nagkukulang na pahirapan ako. Pumunta ka na nga lang sa dining area. Ginising lang kita kasi dinner na. Wala akong masamang hangarin sa'yo. Hindi ako yung tipo ng babae na madaling manligaw ng lalaki," paglilinaw nito habang hinihimas ang masakit na bahagi ng likuran.

Bahagyang natawa si Randell. "Hindi ko naman naiisip na magagawa mo iyon. Salamat sa paggising mo sa akin. Next time magse-set na lang ako ng alarm."

"Bahala ka. Ich-charge ko pa rin sa'yo ang pagpapa-check up ko sa doktor," galit na sambit ni Martina saka lumabas ng silid.

***

Matutulog na sana si Martina nang marinig niyang tumunog ang kanyang telepono. Bumuntong-hininga siya at kinuha iyon ngunit nabitawan niya iyon nang makita niya ang unregistered number na bumabagabag sa kanya simula noong nakaraang buwan.

Boss, Be My Wife - Filipino Ver [FINISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon