Kabanata 6
"Ang hirap palang sumayaw, " mahinang sabi ko habang nakatulala sa kawalan.
"Oo... " pagod na sagot ni Janella habang nakaupo sa tabi ko.
Nitong araw ko lang napagtanto na mahirap pala talagang sumayaw. Kasi panay ang practice mo at lagi ka pang babad sa initan, pero hindi man lang ako nangitim. Pero hindi ko naman hiniling na umitim ako.
Napatingin ako sa kaniya nang abutan niya ako ng palamig.
"Tanggapin mo na. At saka wala na ding laman iyang tumbler mo. "
Bumaba naman ang tingin ko sa palamig niya at dahan dahang kinuha iyon.
Napangiwi pa ako dahil binili lang niya ito sa kanto at baka mamaya ay madumi ang pagkakagawa nito.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng malalim kaya napatingin ako sa kaniya, at hindi pa din humihigop sa palamig.
Nakatingin siya sa palamig na hawak hawak ko at tumingin sakin. "Malinis iyan. " aniya at inirapan ako.
Napanguso ako at tumango nalang. Nag aalangan pa ako sa una kung hihigop ba ako nang makita ko si Miguel sa di kalayuan na kasama ang mga officers ng school at ang iba ay mga kaklase niya na malapit sa kaniya.
Palabas kasi sila ng school. At recess din nila ngayon, nasa labas din kami. Sa tambayan namin na nasa harap lang din ng school.
Nagpapahinga lang kami dahil sa kakagaling lang namin sa practice pero saglit lang naman yung pahinga namin.
Puwede kaming lumabas pero bawal kaming mawala sa paningin ng guard na kanina pa nakatingin sa amin ni Janella.
Tinignan ako ni Janella at sumandal sa inuupuan niya at kumagat sa footlong niya habang nakatingin din sa grupo nina Miguel.
"Siya ba ang dahilan kung bakit ka sasali sa sayaw? " tanong niya at nakapa ko ang kalamigan doon.
Naitikom ko ang aking bibig habang nakatingin pa din kay Miguel na bumibili ngayon ng buko juice na nasa kariton lang nakalagay.
Ngumiwi ako. Hindi ba siya nandidiri?
Pero mukha namang malinis yung tinda ni Manong pero hindi ba siya nag aalala na mamaya ay madumi yung pagkakagawa ng buko?
"Hoy! Saan ka pupunta?! Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko! " pasigaw na tanong ni Janella dahil sa tumayo ako at naglakad patungo sa kinaroroonan nina Miguel.
Nilingon pa ako ng ilang mga kasama niya at siniko pa siya ng katabi niya.
Nakita ko pa ang pag nguso sa akin nung kaklase niya kaya nilingon niya ako at nakita ko na naman ang iritasyon sa mukha niya.
Ngumiti ako at kunwari pa ay nagulat ako na makita siya.
"Oh? Nandito pala kayo? Bumibili rin pala kayo ng buko? Ako rin eh! " sabi ko at nginitian siya.
Binalingan ko si Manong na nakatingin sa akin.
"Ha? Eh hindi ba ayaw—" pinutol ko kaagad ang ibang sasabihin ni Janella.
"Pabili po—"
"May palamig kapa. Baka gusto mong sumakit ang t'yan mo? " tanong niya kaya tinignan ko siya.
Kinindatan ko siya at mahinang tumawa. "Concern kaba? " panunukso ko sa kaniya ngunit inirapan niya ako.
Pero sa totoo lang ay nangangatog na ang binti ko at malakas din ang kabog ng dibdib ko. Ninerbyos pa ako ng tanungin ko iyon.
BINABASA MO ANG
Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)
RomanceCasa Bilarmino #2 Kung ang gabi ay natutulog na ang mga tao ng mahimbing ay ibahin ninyo si Jennyrose Bilarmino Acosta. She's always crying, na halos hindi na tumigil. Dinadaan lang niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa pag iyak. Because o...