Kabanata 18
Kapag ba hinalikan ka sa labi ng isang lalaki ang ibig sabihin ba nun ay gusto ka niya?
Pero imposible ba iyon? Pero bakit niya ako hinalikan? Lahat ng bagay ay may dahilan kung bakit nangyayari, kaya ano ang dahilan niya?
Wala sa sarili akong napahawak sa aking labi habang nakatingin sa kawalan.
Hanggang ngayon bangag pa rin ako sa ginawa ni Miguel. Ikaw ba naman halikan nang walang paalam.
Hindi naman puwedeng trip niya lang iyon.
Pero bakit nga ba niya ako hinalikan?
Eh 'di ba isa lang ang ibig sabihin non? Gusto ka niya? Pero imposible eh, pero bakit nga kasi?!
"Jennyrose! "
Napalingon ako sa aking likuran dahil doon nang gagaling ang tumawag sa akin at doon ko nakita si Sandro.
Nakapamulsa siya habang may headphone sa kaniyang leeg at nakangiti sa akin.
Nginitian ko din siya pabalik at marahang kinawayan.
Hinintay ko siya na makalapit sa aking kinatatayuan, habang ako naman ay napakamot nalang sa aking pisngi.
Kapag tinanong ko naman kay Sandro iyon ay baka mag taka siya at tuksuhin ako. Nakakahiya, kasi lalaki pa ang manunukso sa akin.
"Are you free right now? " nakangiting tanong niya sa akin ngunit may pag aalangan sa tinig.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Hinihintay ko kasi si Janella, pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
Pero ite-text ko nalang siya para malaman niya.
Nitong nag daang araw ay nagiging cold na talaga siya sa akin. Kung dati ay cold siya ng kaonti, pero mas dumagdag ang ngayon. Mailap na din siya.
Nilibot ko ang aking tingin para hanapin si Janella. Pero wala akong nakita miski anino niya o ligaw man lang na mukha.
"P'wede naman ako, sana? Kaso wala pa kasi si Janella, may usapan pa kami—" he cut me off.
Tumikhim siya. "Ipinaalam na kita sa kaniya. And she said yes to me as her answer," sabi niya habang nakangiti.
Napanganga ako dahil sa sagot niya.
Ano? Pumayag siya? Pero bakit? Agad agad?
Nakakagulat lang. Kasi hindi si Janella yung klase ng tao na basta basta nalang pumapayag ng walang rason, lalo na kapag lalaki ang nag papaalam sa kaniya na ayain ako sa labas.
Ayaw kasi niya sa mga lalaki ko. Nakakairita raw kasi sila, dahil bukam bibig daw nila ay ang pangalan ko.
"Sorry, pero mahilig kaba sa mga fishball? " nahihiyang tanong sakin ni Sandro.
Tinignan ko siya maging ang tindero. Nakatingin siya sa akin at hinihintay din ang sagot ko.
Nahihiya naman akong ngumiti at sumagot na kaagad para hindi na sila mag hintay ng matagal sa sagot ko.
"Oo, " sagot ko at tumango.
Nginitian ako ni Sandro bago tinignan ang nagtitinda upang sabihin ang nais bilhin.
BINABASA MO ANG
Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)
RomanceCasa Bilarmino #2 Kung ang gabi ay natutulog na ang mga tao ng mahimbing ay ibahin ninyo si Jennyrose Bilarmino Acosta. She's always crying, na halos hindi na tumigil. Dinadaan lang niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya sa pag iyak. Because o...