Kabanata 28

779 14 0
                                    

Kabanata 28









Dati, para sa akin malapit lang ang buwan kaya minsan naiisip ko na maabot ko iyon. Kaya umakyat ako noon sa puno kasi gusto ko siyang maabot para dalhin sa bahay namin at ipakita kayna Mommy.

Pero nag kakamali ako. Dahil sa malapitan lang pala ito nag mumukhang malapit. Dahil ang totoo ay malayo ito.


Sa punong iyon ay nahulog ako. Pero hindi sa damo. Kundi sa bisig ng batang lalaki.


At ang batang lalaking iyon ay si Miguel.





"Hindi kayo papasok ngayon, " malamig na sabi ni Tita Maureen sa aming lahat.



Papasok pa lang sana kami nang pigilan niya kami. Nagtataka kaming napatingin sa kaniya. Naguguluhan.



Nagkatingan kaming lahat. Pero di si Kuya Leonard. Kalmado lang ito habang nakasandal sa pader at nakatitig kay Faith.


Kaya tiningnan ko din si Faith at nakita ko ang pamumutla nito at tila kulang din sa tulog.



Nag iwas ako ng tingin at ipinagsawalang bahala na lamang iyon.




"Bakit po, Tita? " tanong ko.



Bumaling sa akin ang seryoso niyang mga mata na may halong galit.



"Mharissa is pregnant. "



What?! She is pregnant?! Paano? I mean sino ang ama?! Kasi wala naman siyang pinapakilalang lalaki sa amin!


Gulantang kaming lahat dahil sa nalaman namin at di makapniwalang napatingin kay Mharissa na walang emosyon ang mukha at tila ba'y hindi naaapektuhan sa mga titig ng iba sa kaniya.


Nandidiri, awa. At pagkadismaya.



Nakakaawa. Kung ako ang nasa sitwasyon niya maaawa din ako sa sarili ko. Pinandididirian ako dahil lang sa nabuntis ako sa murang edad.

"Mom, nag bibiro kalang ba? " tanong ni Kuya Rainillo sa ina.


Pagak pa itong tumawa at umiling iling. Ngunit tinitigan lang siya ni Tita, at dahil sa tingin nito ay sumuko siya at naniwala sa huli.

Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang kapatid niyang tahimik pa rin.



"Bakit di ka nagpapaliwanag? " parang batang sabi niya, gusto niya ding malaman mula kay Mharissa ang katotohanan. Na sana bawiin nito.

Tumingala sa amin si Mharissa at isa isa kaming tiningnan gamit ang malalamig nitong mga mata.



"Kapag ba nag paliwanag ako may magagawa paba kayo? " malamig ding sagot niya.


Tanging nakatitig lamang kami sa kaniya. Walang salitang lumalabas sa aming mga bibig dahil sa pagkabigla.




Hanggang sa nag salita si Monique.


"Ate... S-sino ang a-ama? " mahinang tanong nito na halos pabulong na lang. Pero nasisiguro ko namang narinig iyon ni Mharissa.




"Dante, " walang pag aalinlangang sagot niya na ikinabagsak ng tumbler na hawak hawak ko na nag likha ng ingay sa living room.




Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng galit at pandidiri sa kaniya na kanina ay wala.




"Inahas mo ba si Kuya Dante?! " galit na akusa ko sa kaniya.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon