Kabanata 41

1.7K 12 0
                                    

Kabanata 41

Kapag gumigising ako sa umaga masaya ako. Kahit nararamdaman ko ang panganib sa paligid ko. Pero kapag nakikita ko siya. Nawawala 'yong panganib na nararamdaman ko.

Gano'n pa rin kami. Gano'n pa rin siya. Walang ingat. Marahas.

May pake siya sa akin. Pero mas nananaig sa puso niya ang galit. Pero sapat na iyon para sa akin. Mahal ko siya at kaya kong mag tiis.

Kung iiyak siya ay handa kong i-sakrispisyo ang aking balikat para sa kaniya. Kung pagod man siya ay i-aalay ko ang aking mga bisig para gawin niyang pahingahan. Kapag pakiramdam niya ay tinatalikuran na siya ng mundo ay handa akong humarap para sa kaniya. Kahit talikuran man niya ako ay handa akong patunayan sa kaniya na karapat-dapat akong humarap sa kaniya.

"I want a child. "

Pero hindi ko kayang ibigay ang bagay na iyan sa kaniya. Dahil gusto kong mabuhay para sa kaniya.

Ngunit paano kung siya rin ang magiging dahilan ng pagka wala ko sa mundo?

Nakaligtas nga ako sa sakit ko. Pero hinding-hindi yata ako makakaligtas sa sakit na nararamdaman ko ngayong nasa bisig niya ako.

Pero mas nanaisin kong manatili sa bisig niya kahit na nasasaktan kaysa sa maramdaman ko ang pagiging kalahati ng aking sarili't puso't isipan kapag hindi ko siya maramdaman.

Kapag tapos na kami at nasa loob ko ay iniiwan ko siya para mag tungo sa banyo at uminom ng pills. Para sa kaligtasan ko.

"I still hate you. "

Ayan ang palagi niyang sinasabi sa akin. Alam ko naman iyon. Ramdam ko. Pero bihira. Dahil mas nananaig ang pagmamahal na ipinaparamdam niya sa akin.

Hindi niya lang namamalayan. Dahil tinatanggi niya. Natatakot siyang mahalin akong muli.

Hinawakan ko ang kamay ni Miguel. Nagbaba siya ng tingin doon at nakita ko ang kakaibang emosyon na nagdaan sa mga mata niya. Nginitian ko siya ng bumalik ang tingin niya sa akin.

"I love you. "

Namungay ang mga mata niya at ang matigas na anyo niya ay biglang lumambot.

"But I hate you... " halos pa anas pa na sagot niya.

Nginitian ko pa rin siya kahit na tila sinasakal ang puso ko sa sakit.

"I still love you, " sa pagkakataong ito alam kong punong-puno ng pagmamahal ang mga mata ko.

"I can't forgive you. "

"I wanna be yours... "

Napaawang ang labi niya dahil sa naging tugon ko. At tila lumambot lalo ang kaniyang anyo. Gumuhit ang emosyon sa kaniyang mga mata.

"But I love someone else."

Nginitian ko siya kahit na nasasaktan na ako.

"I'm always yours. "

Kahit na masaktan mo man ako. Huwag kang mag-alala. Babalik at babalik pa rin ako sa'yo.


"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kaniya na nagkasakit ka?! " nag aalalang tanong sa akin ni Kuya Jarrel. Napapasigaw na sa frustrations.

Napahilamos pa ito sa kaniyang mukha. Namamasa ang mga matang umiling ako sa kaniya.

Pinahid ko ang luhang pumatak sa pisngi ko. Hinawakan ko ang kamay niya at nakangiting umiling.

"Mamamatay ako na siya pa rin ang mamahalin ko. Tanggap ko na ang kapalaran ko, K-kuya..."

Kumawala ang hagulgol sa aking mga labi.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon