Kabanata 35

1.3K 13 0
                                    

Kabanata 35









'Yong panahong nag durusa ako gusto ko na siya ang kasama ko.


Ngunit dahil sa layo ng aming pagitan wala siya dito sa aking tabi upang saluhin ang mga luha ko.



Ngunit bakit ko iaasa sa kaniya kung kaya ko naman? Pero iba kasi kapag siya na.



Gusto ko siyang yakapin. Halikan. At manatili sa mga bisig niya pang habang buhay.


Walang araw na hindi siya sumasagi sa isip ko at ang pananabik ko sa kaniya ay hindi mawala wala. Nananabik ako sa presensiya niya.



"Pilit na inaagaw ng Miguel na iyan ang strawberry farm ng kapatid ko! " nagtitimping turan ni Tita Maureen at halata ding gigil siya sa kausap.


Natigilan ako nang marinig ko ang pangalan niya. Ang tagal na. Pero hindi ko ikakaila ang pag talon ng puso ko na dati ay laging nangyayari sa akin kapag naririnig ko ang pangalan niya. May epekto pa rin siya sa akin until now. Hindi naman kasi nawala e.




Awtomatikong napalingon ako kay Tita. Nabawi ko rin naman kaagad dahil naramdaman ko ang pag tingin din sa akin ni Kuya Jarrel.




Tumingin din ako sa kaniya. Nakikita ko roon ang kalungkutan. Nginitian ko lang siya.





"Kailangan natin siyang ipakasal kay Daniela. "


Pipigilan ko ba? Bakit pag dating sa kaniya na pipi ako? Hindi makapag salita daig ko pa ang pipi na hindi makapag-salita, napakahina ko upang lumaban. Ilaban siya. Ang tanong, ipinaglaban ko ba siya?


Kasal. Sagot ba sa problema ang kasal?

"Tita. We can beg to him naman po, " sabat ni Daniela na inosenteng nakatingin sa nagagalit na si Tita Maureen.


Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng irita sa pagmumukha niya.


Kung makapagsalita siya akala mo hindi gustong maikasal kay Miguel pero ang totoo gustong-gusto niya.


Nakakadismayada. Siya pa ang ginawa kong taga abot dati ng love letter ko kay Miguel. Siguro pinagtatawanan niya ako noon noong hindi nag respond sa letter ko si Miguel.


Padabog na pinatay ni Tita ang tawag at problemadong umupo sa swivel chair.

Hindi ko siya tiningnan kahit katiting kahit alam ko na ngayon ay nakatingin siya sa akin.



"No, we won't beg to him. Hindi natin gawain iyan. " tumigil siya at bumuntong hininga. "Stop that man. Jennyrose, alam kong naging kayo. Baka naman makinig siya sayo. "

Doon na ako tumingin sa kaniya. Hindi ko alam kung papakinggan pa ba niya ako sa kabila ng pag iwan ko sa kaniya.


Kahit si Daniela ay tumigin din sa akin na halatang tutol sa binabalak ni Tita.



"Tita, baka hindi din iyon makinig sa kapatid ko—" pinutol kaagad ni Tita ang sumabat na si Kuya Jarrel.




"At bakit hindi? Sa pagkakatanda ko ay sumugod pa iyon dito habang nagmamakaawang balikan siya ni Jennyrose. What a shame? Nakakahiya, isang Suriaga lumuhod para lang sa isang babaeng malapit ng mamatay—"



"Stop! " sigaw ko at napatayo dahil sa galit.

Kumuyom ang kamao ko at matalim siyang tiningnan. Napatayo na rin si Daniela para pigilan ako. Ngunit tinabig ko ang kamay niya at maging siya ay na salo na rin ang matalim kong tingin.




Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon