Panakip-butas
'Mahal na mahal kita pero bakit mo ako sinaktan?Tama pala ang sabi nila, sa una lang daw masaya, Oo nga, subrang saya natin noon, hindi natatapos ang araw na hindi tayo nagtatawanan na parang takas mental....
Napakasweet mo nga eh.....pero bigla naglaho ang lahat. Dahil lang sa mahal mo pa sya, Ang tanga ko naman pala na maniwala sayo na mahal mo ako...Akala ko lahat ng lumalabas jan sa bibig mo ay totoo,
Ibig palang sabihin, Lahat ng pagmamahal, at saya satwing kasama mo ako ay isang malaking peke lang pala, satwing sinasabi mong mahal mo ako ay paniguradong sya ang iniisip mo, Ano pala ako?
Pampalipas oras?Habang ako nagpapakatotoo sayo, ikaw naman na sinasaktan ako. Ano ba ako sa buhay mo?Isa lang ba akong napakalaking panakip-butas?Alam mo ba ang salitang nasasaktan?
Kasi ngayon, yun ang nararamdaman ko, Anong gagawin mo para maalis ang sakit na nararamdaman ko?Ayy teka...Oo nga pala Wala ka naman palang pakealam sakin eh, kasi nga panakip butas mo lang ako,
Nung time na nangungulila ka sa kanya. Sana ako na lang sya, napakaswerte nya kasi dahil minahal sya ng isang katulad mo, pero anong ginawa nya?sinayang nya lang.....Sana ako na lang kahit isang panakip butas
Hanggang sa mahalin mo ako ng totoo, hanggang sa makalimutan mo sya, handa akong masaktan dahil mahal kita, gagawin ko lahat lahat, kahit magmukhang tanga nako kakahabol at pagmamahal sayo, kahit alam kong mahal na mahal mo sya....
End.....
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY 1.1
PoetryThis is a Short spoken Poetry, that's why Spoken Poetry 1.1 is the Title, hope you read this.........