Fictional Characters☪️

2 1 0
                                    

Fictional characters

'Kahibangan man kung pakinggan, pero nahulog ako sa isang taong hindi naman talaga nagexist sa mundo,
Isang taong kahit kailan alam kong hindi ko mahahawakan at makikita,
Isang tao na alam kung ginawa lamang ng isang imahinasyon.

Pero dahil nga nagmahal ako, hindi ko toh mapipigilan,
Hindi lang ako nagiisa, marami kami, na sinasabing lahat ng leading man sa storya ay asawa namin.

Pero ang masasabi ko, worth it silang mahalin hindi kagaya ng mga totoong tao napapaiyakin ka lang ng walang kataposan at sasaktan ka lang ng paulit ulit, eh ang mga fictional character?sasaktan ka ba?
Diba hindi?

Andyan sila para tulongan ka sa confidence mo,
Andyan sila para pasayahin ka,
Andyan din sila sa tabi mo, para icomfort ka,
At andyan din sila para tulongan ka sa mga bagay bagay.

Hindi man natin sila nakikita, nahahawakan o nayayakap, andyan naman sila sa puso mo, yun naman ang importante diba?
Na nasa puso lang natin sila.

Baliw man pakinggan para sa iba na hindi tayo maintindihan,
Pero para sa atin mas mabuti na ito, pero alam naman natin ang limit natin eh,

Pero dadating parin tayo sa point na kailangan na natin silang kalimutan dahil nabubuhay tayo sa mundong wala sila, sa mundo natin, dahil ang mundo nila ay ginawa lamang natin.

Pero sana dumating ang araw na ang mundo natin at ang mundo nila ay magtagpo, kung saan nagexist talaga si Dark Montero para pataasin ang self-confidence mo, Kay Ezekiel Roswell, na hindi daw mahuhulog kay Aimee pero ano?Nahulog pa rin sya kay Aimee na kulang na lang asawahin si Barbie.

Si Deib lohr Enrile, Na isang bully na parang bading pero handang gawin ang lahat para lang sa mahal nya, Kay Peter, na nagawang ibuwis ang buhay nya para lang sa lahat, At kay Jarvis Fortalejo na nadala ng galit dahil sa nakaraan.

Marami sila, pero hindi ko na iisa isahin, dahil kilala naman natin sila eh, malungkot man kung isipin meron talagang mga fictional characters na namamatay dahil sa pagbuwis ng buhay nila, pero para sa mahal nila gagawin nila.

Yun naman talaga kasi ang love gagawin mo ang lahat para sa taong mahal mo, kahit kapalit man nito ang buhay mo.

End....

SPOKEN POETRY 1.1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon