Fall Inlove With My Enemy
'Ako lang ba o sadyang maraming broken ngaung taon?Minsan nga iniisip ko na baka isang araw maging isa ako sa kanila, Hahahaha pero hindi ko pala hawak ang tadhana ko, Masasaktan at masasaktan ako. Nagmahal ako ng tao na alam kong kahit kailan, hindi ako mamahalin, Nagmahal ako ng taong may mahal ng iba.
Subrang sakit eh, Alam kong wala akong karapatan na magselos, magalit o ano pa man kasi wala naman kami eh, Nagagalit ako satwing may kakausapin o lalapitan kang babae, minsan nga, nasusungitan kita o di kaya nasasaktan physically, dahil sa selos.
Akala ko nung una normal lang yun satin, pero habang tumatagal na realize ko na, tama pala sila, mahal na kita, matagal na, hindi ko lang napapansin, kasi busy ako masaktan satwing lumalapit ka sa ibang babae, Nasasaktan ako, kung alam mo lang, Iniisip ko nga na baka ito na talaga ang kapalaran ko na paulit ulit na masaktan.
Pwede bang wag mo na akong saktan?kasi di ko alam kung hanggang kailan ko kayang pigilan ang sarili ko na hindi sabihin sayo na gusto kita, Ay mali na mahal na pala kita....kahit alam kong kaibigan lang ang maiiibigay mo sakin kasi alam ko namang gustong gusto mo sya, Mali ulit ako, mahal na mahal mo pala sya.
Sino naman kasi ako, hamak na mas maganda sya kisa sakin na isa lamang pangit, Kung tutuosin, parang traydor ako sa pagsasama nyong dalawa, Ayaw ko namang makigulo eh, Sadyang nagmahal lang talaga ako, minahal kita na wala namang kasiguraduhan kung mamahalin mo rin ba ako?
Hindi ko talaga inakalang mahuhulog ako sayo eh, Isa ka lang namang kinaiinisan ko, hindi ako naniniwala sa 'The More You Hate, The More You Love' pero simula ng maramdaman ko toh sayo, para akong binuhusan ng malamig na tubig na may kunting yelo pa, Nahulog ako sa nagiisa kung kaaway, I fall inlove with my Enemy.
End.....
![](https://img.wattpad.com/cover/338803716-288-k794398.jpg)
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY 1.1
PoetryThis is a Short spoken Poetry, that's why Spoken Poetry 1.1 is the Title, hope you read this.........