Luna
'Luna?isang napakagandang pangalan para sa isang buwan na gabi gabing nakikinig sa problema ko, Kahit gabi ko lang sya nakikita, atleast nakikinig sya sa kin, hindi kagaya mo na hahayaan lang ako na umiyak.May pakialam ka ba sakin?kasi parang wala naman eh, lalapit ka lang ata sakin kung may kailangan ka, pero nung time na kailangan kita?nasaan ka?diba andun ka lang naman kasama ng ibang babae, habang nakikipagtawanan?
Ganun ka ba talaga magmahal?O minahal mo ba ako?kasi parang hindi naman eh, Isa lang ata akong laruan para sayo, Gusto mo bang isampal ko sayo ang katutuhanan na isa akong tao, hindi isang laruan!!
Sabi ko nga tao ako, kaya may kapaguran din ako!!Suko nako!!!Hindi ko na kaya, Tapusin na natin toh, mahal na mahal kita pero hindi ko alam ang sakit mo palang mahalin!!!Sana dumating ang araw na pagsisihan mo toh!
Sana pagsisihan mo na sinaktan at pinaglaruan mo lang ako, siguro malalaman mo lang ang worth it ko kung wala nako sayo noh??Pero meron akong tanong sayo na sana masagot mo ako kahit ito lang dahil ayoko kong mabaliw kakaisip ng kasagutan na alam kong ikaw lang ang makakasagut.
Minahal mo ba ako?O isa lang akong laruan para sayo?gaya nga ng sabi ko nilalapitan mo lang ako sa twing may kailangan ka, Ayy teka may nakalimutan pala akong idagdag Hahaha lumalapit ka rin pala sakin satwing boring ka Hahaha....
Masaya ka na?Kasi kung oo, Hayst hindi ko na alam ang sasabihin ko, Nakalimutan ko pala, Wala nga pala tayo noh?Lahat nang ito ay isang pagpapanggap lang pala, Sino naman kasi ako kung ikukumpara sa mga babae mo?
Luna, salamat......maraming salamat sa pakikinig sa mga problema ko, Andyan ka sa tuwing malungkot ako, Your always my comfort zone....My Luna....My Moon.
End...
BINABASA MO ANG
SPOKEN POETRY 1.1
ŞiirThis is a Short spoken Poetry, that's why Spoken Poetry 1.1 is the Title, hope you read this.........